^

Probinsiya

Pusher utas sa shootout

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Napaslang ang isang pinaghihinalaang drug pusher habang nakatakas naman ang kasamahan nito matapos na mauwi sa shootout ang buy bust operation sa Brgy. San Cristobal, San Pablo City, Laguna nitong takipsilim ng Biyernes.

Kinilala ang nasawing umano’y drug pusher na si Richard Cuevas, 28 taong gulang, idineklarang dead-on-arrival sa Pamahalaang Panlalawigan ng Laguna Hospital matapos na nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.

Patuloy namang pinaghahanap  ang  tumakas na umano’y drug pusher din  na si Rolando Cuevas, nasa hustong gulang,  residente ng Purok 7, Brgy. San Cristobal, San Pablo City.

Sa ulat ni Sr. Supt. Joel Pernito, Acting Provincial Police Office Director ng Laguna, naganap ang shootout sa Brgy. San Cristobal bandang alas-5:50 ng hapon.

Ayon kay Pernito, ang nasawing suspek ay  isang High Value Target (HVT) at miyembro ng Reyes drug group.

Sinabi pa ni Pernito na habang isinasagawa ang buy bust operation sa harapan ng tahanan ng suspek ay nakatunog ito kaya nagtatakbo ito sa may damuhan at pinaputukan pa gamit ang cal. 45 pistol ang humahabol na mga operatiba ng pulisya.

Gayunman, sa palitan ng putok ay nasapul ng tama ng bala ang nasabing suspek pero nagawang makatakas ang kasamahan nito na nagtatago sa loob ng kaniyang tahanan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with