^

Probinsiya

Killer ng mag-ina, arestado

Pilipino Star Ngayon

CAMP JULIAN OLIVAS, Pampanga, Philippines - Nahuli na ang umano’y responsable sa brutal na pagpatay sa mag-inang Jenny at Dwayne Josh Pineda matapos pasukin ang kanilang bahay at pagnakawan sa Brgy. San Jose Sitio Mabuhay, Lubao, Pampanga noong Huwebes. 

Kinilala ang suspek na si Ronnel Canilao, 22, ng naturang barangay. Sinasabing dating nagtrabaho ang suspek sa mag-ina nang ipagawa ang kanilang bahay kung kaya’t alam ng una ang pasikot-sikot dito.

Dakong ala-1:00 ng hapon nang mahuli ang suspek sa kanilang bahay at naituro nito ang isang hotel kung saan itinago ang nakulimbat nitong relos at iba pang gamit ng mga biktima.

Sa imbestigasyon, lasing at inaalam pa kung lango sa ipinagbabawal na droga ang suspek nang isagawa ang pagpatay sa mag-ina. Naganap ang krimen noong Martes ng gabi nang pasukin ng suspek ang mag-ina. Hinalay pa ng suspek ang ginang at sinaksak pa kasama ang 10-anyos na anak na ginilitan ang leeg. Ang bangkay ng mag-ina ay nadiskubre bandang alas-7 ng umaga noong Miyerkules ng kanilang mga kaanak na nagtungo sa kanilang bahay. Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong rape, double murder, robbery.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with