^

PSN Showbiz

Kulong daw ‘pag ‘di sumuko Limang showbiz personalities tinitiktikan na!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Ma at pa ang sagot ko sa mga nangungulit sa akin tungkol sa limang showbiz personalities na under surveillance ng mga pulis dahil mga suspect sila sa pagbebenta ng mga ipinagbabawal na gamot.

Hindi ko alam ang pagkatao ng mga pinagbibintangan na drug addict. Nababasa ko na lang sa mga diyaryo at napapanood sa TV ang statement ng PNP pero hindi ako interesado na malaman ang mga subject ng kanilang mga blind item. 

Besides, walang artista na aamin na drug addict at drug pushers sila dahil in denial ang karamihan sa kanila, kesehodang lutang sila palagi at kung anik-anik ang mga salita na lumalabas mula sa bibig nila.

Lito Atienza hindi pa rin nalilimutan ang movie industry

Hindi bulang-gugo o ningas kugon lang ang pangako ni Buhay Partylist Representative at Senior Deputy Minority Leader Lito Atienza na gusto nitong tulungan ang industriya ng pelikulang Pilipino.

Dahil sa tagumpay ng mga Pinoy movie sa mga international film festival, kinukumbinsi ni Papa Lito ang kanyang mga kasamahan sa House of Representatives na bilisan ang deliberasyon at pagpapasa sa kanyang panukala, ang House Bill No. 2624 na magbibigay ng five-year tax holiday sa film industry.

Tuwing dumarating ang eleksyon at sinusuyo ng mga kandidato ang entertainment press, ang matulungan ang local movie industry ang kanilang mga pralala. Tuluyan nang nababaon sa limot ang OPM ng mga trapo kapag nanalo na sila o natalo pero hindi si Papa Lito na genuine ang pagmamahal sa industriya ng pelikulang Pilipino.

Ito ang mensahe na ipinararating ni Papa Lito sa mga kasamahan niya sa kongreso, “I strongly urge my fellow lawmakers to prioritize our bill. The series of triumphs of our very own Jaclyn Jose, Directors Brillante Mendoza and Lav Diaz, Charo Santos and John Lloyd Cruz in various international film competitions further proves that Filipino talents are topnotch and world class kaya dapat nating tulungan ang pelikulang Pilipino.

“This five-year tax holiday will greatly benefit the industry as it would lower the cost of production with the 100% exemption from custom duties and national internal revenue tax on the importation of machinery, equipment and spare parts as well as 100% tax credits to domestic manufacturers of any articles directly related to film making.

“Our film industry used to be one of the fastest growing industries in the Philippines and in the world as well. We used to be recognized in the world in terms of creativity, originality and talent in our movies. From an average of 300 films a year, we have dropped to making less than 50 films a year.

“Our writers, directors and producers are still as topnotch as before, and can still compete with their counterparts in international markets. 

“And because of the good reviews and many standing ovations received now by Philippine Films in international festivals, such as the Cannes Film Festival, we can easily compete with Hollywood-produced films. We just need to help the Philippine film industry right now in retracing its path to profitability and greatness,” ang mahaba na pahaya ni Papa Lito.

Layunin ng bill na tatawagin na Philippine Film Industry Tax Holiday Act of 2014 na bigyan ng limang taon na tax holiday ang local film industry, ang pagbili ng mga kagamitan at paggawa ng pelikula para makaahon ang industriya mula sa dusa na kinasa­sadlakan.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with