^

Bansa

12 preso tetestigo vs Leila

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Haharap sa pagdinig sa Kamara de Representantes ang 12 preso sa New Bilibid Prisons (NBP) upang patunayan ang umano’y pagkakasangkot ni Senador Leila de Lima sa kalakalan ng ilegal na droga.

Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre, karamihan sa mga preso ay mga nahatulan sa kasong droga.

Nakuhanan na umano ang mga preso ng mga sinumpaang salaysay laban kay De Lima. Ililipat umano ang mga nasabing preso ng pasilidad sa labas ng NBP para matiyak ang kanilang seguridad.

Kabilang din umano sa haharap sa imbestigasyon ng Kamara ang mga testigo na umano’y magpapatunay na si de Lima pa mismo ang tumanggap ng milyun-milyong piso sa kanyang bahay. Galing umano ang pera mula sa mga high-profile drug convict na nakakulong sa Bilibid. May pagkakataon pa nga raw na ang personal na inabot ni De Lima ang P5 milyong cash.

Ilan pa umano sa mga tetestigo sa pagdinig ay mga dating opisyal at agent ng NBI.

Dahil dito, naniniwala si Aguirre na ang pagpapalutang kay Edgar Matobato na umaming miyembro ng Davao Death Squad ay desperadong hakbang ni De Lima para mapahupa ang mga masisiwalat laban sa kanya.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with