^

Metro

1,000 truckloads ng basura nakolekta

Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nasa mahigit 1,000 truckloads ng basura ang nakolekta  ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) mula sa mga estero at creeks sa buong  Kalakhang Maynila.

Ito ay kaugnay ng mariing kautusan ni MMDA General Ma­nager Tim Orbos na higit na paigtingin ang paglilinis sa mga daluyan ng tubig dahil sa banta ng La Niña at pagtaas ng tubig baha tuwing umuulan na nagiging sanhi ng matinding trapik sa mga pangunahing lansangan.

Dahil  ang mga basurang itinatapon ng mga walang disiplina at pasaway na mamamayan ay napupunta sa mga daluyan ng tubig na siyang sanhi nang pagbara.

Simula noong buwan ng Hulyo hanggang sa kasalukuyan sa ilalim ng programa ng “Estero Blitz” ay nasa 1,453 truck­loads o 11,742 cubic meters na mga basura ang nakolekta ng MMDA Flood Control and Sewerage Manage­ment Office (FCSMO) mga creek at daluyan ng tubig.

Ang naturang mga basura ay nakolekta mula sa Maytunas Creek sa Mandaluyong City, Estero de Magdalena at Roxas Canal sa Maynila, Tanigue Creek, Pasong Malapad Creek sa Caloocan City at Dario Creek sa Quezon City.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with