^

Punto Mo

‘Ito ang batas’

CALVENTO FILES SA PM - Tony Calvento - Pang-masa

KAPAG batas at karapatan ang pinag-uusapan hindi lahat nakakaintindi. Hindi lahat nakakaalam ng mga dapat gawin kaya naman naglaan kami ng espasyo para sagutin ang ilan sa mga katanungang ito.

Mula naman sa numerong may dulong 9654, kwento niya may pinsan daw siyang nakainom at may dalawang batang nag­lalaro at napa-kaingay. Ang nangyari nasapak ng kanyang pinsan ito at ipinabarangay siya ng mga nanay ng dalawang bata.

Sumailalim din daw sa medical examination ang dalawang bata. Anong kaso raw ang maaaring kaharapin ng kanyang pinsan.

Sagot:  Kasong ‘Child Abuse’ o RA 7610 ang kakaharaping reklamo ng kanyang pinsan. Mga bata ang biktima rito at hindi na tungkol sa injuries na natamo ng mga ito.

*4596—Magandang araw po nagsangla po ako ng motor sa isang pawnshop at tinubos ito ng aking pinsan. Hindi ko na rin natubos sa kanya dahil sa lumaki na ang bayarin sa kakaporsiyento.

Tanong ko lang po kung sakali pong maka-aksidente o gamitin ang motor sa iligal na gawain madadawit po ba ako kasi hanggang ngayon nakapangalan pa sa akin ang motor?

Sagot: Kapag na-verify sa LTO ay lalabas ang kanyang pangalan. Kailangan meron siyang ‘mortgage agreement’ para may pagpapatunay na habang naka-mortgage wala sa kanya ang motor.

Mula naman sa aming Facebook Account, kababayan naman nating nasa Hongkong na si Helen Lingat ang nagtanong tungkol sa naging utang niya sa isang financing company.

Nakauwi na daw siya ng Pilipinas at nakabalik na ulit ng Hongkong. Hindi pa raw niya nabayaran ang kanyang balance dahil inuna niyang bayaran ang kanyang placement fee at ilang nagastos sa Pilipinas.

“May natanggap po ako ng text mula daw po sa Atty. Galing po yun sa Pinas pero umutang po ako dito po sa Hongkong,” sabi ni Helen.

Ayon sa text ‘warrant of arrest’ at warrant of seizure to sheriff para ma-garnish ang kanyang mga ari-arian para sa paglabag sa Article 315 o Estafa na isasampa sa kanya. Kinakailangan niyang ma-settle ito sa loob ng 48 oras.

May abogadong pinapakontak sa kanya para maayos niya ang kanyang obligasyon sa Prime Credit Limited Hongkong. Ilalathala din daw ang kanyang pangalan at picture sa mga pahayagan para sa deportation.

“Hindi ko naman tatakasan ang obligasyon ko. Magbabayad na dapat ako pero natanggap ko ito,” ayon kay Helen.

Sagot: Ang naniningil na yan sa ‘yo ay collection agency. Kung titingnan mo ito ay utang, kapag utang ang pinag-uusapan may pirmahan kapag hindi ka nakabayad kasong ‘Collection of Sum of Money’ ang isasampa sa ‘yo. Kasong sibil ito.

Bakit makukulong ka kaagad gayung hindi pa naman ito dumadaan sa mediation. At yung tungkol naman sa pag-garnish ng mga gamit mo, paano nila malalaman kung ano ang gamit mo sa gamit ng mga kamag-anak mo?

Sa Hongkong siya umutang at sa usapin kung siya’y kakasuhan dapat ang proseso ay sa Hongkong ang demandahan. Hindi pwedeng mula sa Hongkong tapos kukunin ang mgaa gamit mo dito.

Ang mga collection agency may mga porsiyento silang nakukuha sa mga perang nakokolekta nila mula sa kanilang pambabraso.

SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal maaari kayong magtext sa 09198972854, 09051090451 at sa gustong maka-usap ako ng diretso sa 710-3618.

Maaari din po ninyong i-like ang www.facebook.com/tonycalvento o i-type na rin ng diretso sa Facebook sa Tony A. Calvento at mag-iwan ng mensahe para sa inyong mga problema.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with