^

PSN Showbiz

Gelli hindi raw nangalawang

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Sa Lunes ay magsisimula na sa Primetime Bida ng Kapamilya network ang teleseryeng Magpahanggang Wakas na pinagbibidahan nina Jericho Rosales at Arci Muñoz. Kasama rin sa nasabing proyekto sina John Estrada at Gelli de Belen na gumaganap bilang mag-asawa dito. Si Gelli ay kapatid ng dating asawa ng aktor na si Janice de Belen.

Humanga raw si John sa pagiging magaling na aktres ni Gelli sa kanilang bagong serye. “Magaling si Gelli, actually I’m surprised and happy. Kasi kapag nag-uusap kami sa set, na hindi naman madalas ‘yon. Sinasabi niya sa akin na medyo rusty siya, nangangalawang siya dahil matagal siyang hindi gumawa ng kasing-laki at kasing-seryosong soap na ganito, but magaling siya. Maganda din ‘yung bakbakan namin sa soap na ito. So exciting,” pagbabahagi ni John.

Samantala, ayon sa Business Unit Head ng programa na si Ruel Bayani ay hindi raw sila nahirapan na kumbinsihin si Gelli upang tanggapin ang proyekto kahit nalaman na makakatrabaho si John. “Nagkataon na Gelli was going to return to ABS-CBN and we are offering her shows. Eksakto dumating ito, I offered this to her. Ang sabi niya, walang problema na magtrabaho sila ni John because wala siyang problema kay John at all. Sabi niya mahusay naman talagang artista si John which is we all know. In fact no’ng mapanood ko ang unang scenes nila, sabi ko nga, ‘Wow! Ang galing, more than what I expected, beyond our expectations,” nakangiting pahayag ni direk Ruel.

Vina gustong maging ninang ng baby nina Robin at Mariel!

Kamakailan ay isang baby shower ang idinaos para kay Mariel Rodriguez. Dinaluhan ito ng mga mga kapamilya at malalapit na kaibigan ng aktres. Nakadalo rin sa nasabing pagtitipon ang dating kasintahan ni Robin Padilla na si Vina Morales. Masayang-masaya ang aktres dahil naimbitahan siyang pumunta ni Mariel. “Sobra akong tuwang-tuwa sa kanila. First time na nagkita kami ni Mariel na kasama si Robin. Nagkikita kami pero medyo malayo, pero ‘yung in-invite talaga ako and I said yes and tsaka may communication na kami ni Mariel. So we’re really good friends now,” nakangiting bungad ni Vina.

Sa kauna-unahang pagkakataon ay nakapag-usap daw sina Vina at Mariel tungkol sa pagbubuntis at pagiging ina. “We talked a lot, we spoke about when it comes to being a mother. We talked about her happiness with Robin and I know if given the chance to have more time to talk, we could be close especially ‘pag lumabas na ‘yung baby. I can give her tips and advice,” kwento ng aktres.

Kung mapipiling isa sa mga ninang ng magiging anak nina Mariel at Robin ay wala naman daw itong problema kay Vina. “We still have time, siguro kailangan pa ng time to get to know each other. Pero no’ng naimbita niya ako sa baby shower that’s something for me. That’s really special and she feels the same and also Robin,” giit ni Vina.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with