^

Probinsiya

Inutas habang nagsasalok ng pampaligo ng kalaguyo

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Pinabulagta ang 44-anyos na magsasaka habang ipinagsasalok nito ng tubig na pampaligo ang kanyang kalaguyo matapos itong pagbabarilin ng hindi kilalang lalaki sa Brgy. Santiago, Quirino, Isabela kamakalawa. ?Kinilala ni PO3 Dexter Alcon ang napatay na si Romy Buguina ng Brgy. Carmencita sa bayan ng Delfin Albano, Isabela. ?Sa imbestigasyon, niratrat ang biktima na may tangan pa ng timba ng tubig sa magkabilang kamay. ?Nainip naman sa palikuran ang kalaguyo na si Sharon del Rosario kaya sinundan nito ang biktima subalit halos nawalan ito ng ulirat nang makitang nauna nang naliligo sa sariling dugo ang lover.? Ayon sa may-ari ng balon, naka-wig ang gunman nang tumakas sakay ng motorsiklo kung saan narekober sa crime scene ang 5-basyo ng bala ng cal.45 pistol. Bagama’t wala sa drug watchlist ng PNP ang biktima; isa sa motibo ang love triangle ang sinusundan ng mga imbestigador dahil may asawa rin ang babae.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with