^

Metro

Makati police binalasa

Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Anim na police precincts commanders sa lungsod ng Makati­ ang tinanggal sa kanilang pwesto dahil sa mababang performance na may kugnayan kontra droga at iba pang uri ng kriminalidad.

Ang mga tinanggal sa puwesto ay sina Chief Inspector  Rody Tallud, ng PCP 1 Brgy Olympia; Senior Inspector Bernando Bacalso, PCP 3 Brgy. San Isidro; Chief Inspector Noel De Ocampo, PCP 7 Brgy. Guadalupe Nuevo; CI Rolito Pelayo, PCP 8 Brgy. West Rembo; CI Rommel Ressureccion, PCP 9 Brgy. Pembo at CI Armando Yu, PCP 10 Brgy Rizal.

Gayundin tinanggal din ang mga deputy commander na sina Sr. Inspectors (SIs) Valmark Funelas, ng PCP7 at Angelbert Alan ng  PCP 5.

Ayon sa hepe ng Makati City Police na si Senior Supt. Rommil­ Mitra, ang pagbalasa sa nabanggit na mga commanders ay bunsod ng mababang performance ng mga ito sa pagpapatupad ng ‘Oplan Double Barrel’ o kampanya kontra sa ibat-ibang kriminalidad partikular ang droga.

Nagkulang din aniya ang nabanggit na mga commanders sa pag-aksiyon hinggil sa mga impormasyong ibinibigay ng mga concern citizen laban sa mag drug personalities.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with