^

Pang Movies

Joy Viado magaling na singer din

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Nagulat ang marami sa biglang pagpanaw ng isa sa pinakamagagaling na komedyante sa TV at pelikula na si Joy Viado.

Pumanaw ang komedyante sa edad na 57 dahil sa isang heart attack noong nakaraang September 10 sa Quezon City General Hospital.

Ayon sa anak nitong si Joseph Christopher ay itinakbo ang kanyang inang si Joy sa ospital pagkatapos nitong makaramdam ng paninikip sa kanyang dibdib. At 8:55 p.m. ay nalagutan na ng hininga ang komedyante.

Huli naming nakausap si Joy sa set ng Dear Uge noong nakaraang March lamang. Unang pagsabak niya iyon sa trabaho pagkatapos ng isang taong pakikipaglaban sa sakit na diabetes. Muntik nang putulin ang isang binti ni Joy dahil sa kumplikasyon na dulot ng kanyang pagiging diabetic. Dumaan siya sa tatlong debridement surge­ries sa tulong na rin ng mga kaibigan na nag-raise ng funds para sa kanyang mga pangangailangan sa ospital.

Nagpasalamat pa nga si Joy dahil buhay pa siya at buo pa ang mga parte ng katawan niya. Malaki ang utang na loob niya sa kanyang mga kaibigan lalo na sa pumanaw na direktor na si Wenn Deramas.

Nakilala namin si Joy noong 1993 at sa mga hindi nakakaalam ay isang mahusay na singer din siya. Grand champion siya ng Fe S. Panlilio Scholarship dahil sa husay niya bilang mang-aawit.

Pero mas nakilala si Joy bilang komedyante sa TV at pelikula. Lumalabas din siya paminsan-minsan sa mga musical theatre production at nagse-set sa mga comedy bar para ipakita na hindi niya iniiwan ang pag-awit.

Mga huling TV shows na nilabasan ni Joy ang LUV U, Got To Believe, Wako-Wako, Sa Ngalan Ng Ina, Pidol’s Wonderland at Bagets: Just Got Lucky.

Allen Dizon wagi ring best actor sa Italy

Habang isine-celebrate ng marami ang pagkapanalo ng mga pelikulang Ang Babaeng Humayo at Pamilya Ordinaryo sa Venice International Film Festival, isama na rin sa selebrasyon ang pagkapanalo naman ng aktor na si Allen Dizon bilang best actor sa 13th Salento International Film Festival in Tricase, Italy para sa pelikulang Iadya Mo Kami (Deliver Us).

Ginagampanan ni Allen ang papel ng isang pari na sa kanyang pagbibigay ng pangaral tungkol sa moralidad ay naligaw, natukso, umibig at nagkaroon ng anak.

Nakarating na rin ang Iadya Mo Kami sa iba’t ibang international film festivals tulad ng 14th Pune International Film Festival in India; at sa 4th Silk Road International Film Festival in Dublin, Ireland kunsaan nanalo si Allen ng best actor award. Mula ito sa direksyon ni Mel Chionglo at tinatampok din sina Diana Zubiri, Ricky Davao at Eddie Garcia.

AiAi naluha sa natanggap na award galing sa mga bagets

Congratulations din kay Comedy Queen AiAi delas Alas dahil siya ang pinarangalan na Most Influential Film Actress of the Year ng 6th EdukCircle Awards noong nakaraang September 9 sa AFP Theater in Camp Aguinaldo, Quezon City.

Ayon sa EdukCircle, ni-recognize nila si AiAi dahil sa “exemplary performances of personalities in news and entertainment whose professional works have made significant contributions to Philippine music, film and television.”

Natuwa naman ang Comedy Queen dahil galing ang award nila sa mga kabataan na kilala pa rin siya dahil sa kanyang mga TV show na Sunday PinaSaya at Hay, Bahay.

“Naluluha ako kasi sa edad kong 18, nakakakuha pa ako ng award galing sa mga kabataan,” malakas na tawa pa ni AiAi.

“Promise ko that I will continue to be a good actress and commedienne to make them happy and still learn and improve more my craft para lalo ko pang mapasaya di lamang mga kabataan kundi ang buong Pilipinas.”

Sa kanyang post sa Instagram ay dedicated niya ang kanyang award sa mga co-stars niya sa pelikulang My Bebe Love na sina Vic Sotto, Alden Richards, and Maine Mendoza, sa kanyang director na si Jose Javier Reyes, sa kanyang mga anak at boyfriend na si Gerald Sibayan.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with