^

Pang Movies

Marian pinagkakitaan sa social media!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Totally nabago ang concept ng pagsisimula ng second year ng Sunday PinaSaya (SPS) kahapon sa hashtag #SPSBiyahengBarkada na ang main hosts ng show ay sakay ng isang jeep na nagbiyahe sa buong Pilipinas at bawat puntahan nilang lugar ay may istorya na nagaganap.  Pumapasok sa bawat eksena ang ibang members of the casts, at kanilang mga special guest, na may drama, comedy, musical, horror.

Pero si Alden Richards ikinuwento ang love story nila ni Maine Mendoza na naganap sa Como, Italy. Sa eksenang iyon, ang laging suot na ring ni Maine ay ipinaalis muna ni Direk Mike Tuviera at iyon ang ipinasuot ulit ni Alden kay Maine.

Sa paghahanap naman ni Marian Rivera ng kanyang true love sa Cebu, nagkita na sila ni Robin Hood na nakilala niya online, si Dingdong Dantes. Nagtilian ang studio audience nang sumayaw at nag-kiss ang mag-asawa sa lips.

Hindi sumama sa biyahe si Dingdong dahil magkikita na raw lamang sila sa Avon event.

Speaking of Marian, madaling ni­linaw ng kanyang management ang isyung endorser daw siya online ng isang slimming pill. Statement ng management: “This is not true, Marian Rivera-Dantes is not endorsing (name ng product). Please help stop the spread of false information by reporting the FB site. Thank you.”

The Ryan Cayabyab Singers parang de susi!

Nine years na sa music scene ang The Ryan Cayabyab Singers (RCS) at katatapos nga lamang nilang i-launch ang kanilang third album at ang first single nilang Sa Panaginip Lamang. Pero ang pitong members ng RCS ay dumaan muna sa maraming auditions. Nang finally ay mapili niya ang pito (actually walo sila, pero iyong isa raw ay last minute na nagpaalam dahil may audition din sa isang company na siyempre ay wala silang laban dahil mas malaki raw ito), hindi na siya nag-effort na maghanap pa ng ikawalong member, sinimulan na nila ang album.

Ilang kanta rin ang ginawa ni Maestro Ryan Cayabyab na ang iba ay sarili nang com­positions ng pitong RCS members. Hindi naman ni-require ni Mr. C na nag-aaral sila ng music. Ang gusto lamang niya ang makukuha niya ay mga all-around performers, hindi lamang basta mahusay kumanta kundi ang ku­milos sila at dalhin ang sarili nila onstage bilang mga seasoned professionals.

Ang ganda ngang pakinggan noong launch nila na parang sinusian na kahit anong kanta ang ipakanta sa kanila. Kaya nila kahit mga classical songs, choral music, ballads, RnB, boy band music, pop, soul.

Ang bumubuo sa RCS ay sina Poppet Bernadas, Kaye Tiuseco, Erwin Lasaca, Sherleen dela Cruz, Celine Fabie, VJ Caber at Anthony Castillo.

Kahit saan ay pwede silang kumanta, pero sa ngayon, mas marami silang corporate shows. Pero may isa silang hindi pwedeng gawin, hindi sila pwedeng mag-interpret ng mga song sa PhilPop na ang chairman ay si Maestro Ryan Cayabyab.

Natawa kami sa sabi ni Maestro Ryan na kailangan daw niyang mag-compose muli ng songs dahil matagal na niyang hindi ginagawa ito at baka raw maging rusty na siya.

Bago sila umalis ng bansa for a series of shows, maggi-guest muna sila sa iba’t ibang TV shows.  Bukas, mapapanood sila sa morning show na Unang Hirit sa GMA 7.  Sa buwan ng October, may US tour sila sa New Jersey, San Francisco, Los Angeles, California, at Honolulu.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with