^

Police Metro

1,405 death toll sa summary killings vs drug pushers

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Pumalo na sa kabuuang 1,405 ang mga kaso ng mga pagpatay laban sa mga pinaghihinalaang drug personality  na biktima ng summary executions na nasa ilalim ng Death Under Inquiry (DUI) o masusing iniimbestigahan ng Philippine National Police (PNP).

Sinabi ni  PNP Spokesman Sr. Supt. Dionardo Carlos, kabilang sa mga kaso DIU ay mga nilagyan ng ‘cardboard justice’ o mga pagpatay na iniuugnay sa ‘vigilante killings’ na konektado sa illegal drug trade.

Ayon kay Carlos, mula Hulyo 1 hanggang Setyembre 4 ng taong ito, umaabot naman sa 176 suspek ang nasakote habang 105 pa ang pinawalan ng pulisya dahilan sa kakulangan ng ebidensya.

Kaugnay nito, inihayag ng PNP Spokesman na sa lehitimong anti-illegal drugs operation ng PNP ay nasa 1,033 na ang mga napapatay na drug pushers matapos na manlaban sa mga operatiba ng pulisya. Ang nasabing bilang ay naitala simula Hul­yo 1 hanggang alas-6 ng umaga nitong Setyembre 6  o simula ng manungkulan sa puwesto si Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ng PNP Spokesman nakapagsagawa naman ng 15,905 anti-drug operation sa iba’t-ibang bahagi ng bansa  na nagresulta rin sa pagkakaaresto ng 15,193 drug personalities.

Naitala naman sa kabuuang 709,866 mga kabahayan ang nabisita ng PNP anti-illegal drug operatives  sa ilalim ng Oplan Tokhang o pagkatok sa mga kabahayan upang pasukuin ang mga drug pushers at users. Samantalang  639,319 namang drug personality ang sumuko sa PNP sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with