^

Pang Movies

Heart ginawang secretary si Sen. Chiz!

- Vinia Vivar - Pang-masa

Natutuwa naman si Heart Evangelista sa kanyang asawang si Sen. Chiz Escudero dahil nga sobrang supportive nito sa kanya sa lahat ng bagay lalo nga pagdating sa kanyang mga projects.

Would you believe, ang mister daw niya ang nag-o-organize ng schedule niya?

“Si Chiz, tatanong niya sa akin, ‘what’s your schedule today?’, ‘that’s all you gonna do? You should add more.’ In a day, he tells me to have at least five schedules para marami akong gawin.

“And then he’ll tell me, ‘next year, what’s your project?’ So, he will tell me, ‘okay, you can move that to the other year’. So, he orga­nizes ‘yung launching days ko, ‘yung ganyan,” kwento ni Heart.

Dahil nga politiko ang kanyang mister, she was asked kung ano ang masasabi niya sa Duterte administration, aniya ay so far, so good naman daw.

“I mean, whatever is meant to be is what’s meant to be, and so far, so good, so I’m happy. And I’m happy that everything is good so at least, the majority of people will also be happy. ‘Yun lang naman din ‘yun, eh.

“I mean, at the end of the day, it was very clear that it’s destiny. So you never ask God why, you accept what He gives you,” pahayag ni Heart.

Max ise-secure muna ang pamilya bago mag-asawa

Kahit umamin na si Max Collins na three years na niyang boyfriend si Pancho Magno na anak ng GMA 7 executive na si Redgie Acuna-Magno, malayo pa raw sa isip niya ang pag-aasawa.

Mga ilang taon pa ba bago niya makita ang sarili niya na magse-settle down?

“Siguro, ‘pag secured na ang pamilya ko, pag may narating na ako sa career ko at proud ako sa sarili ko, I guess, then, ready na ako magka-family, ‘di ba?

“I guess, that’s the time na I’d feel ready. Kapag may mga na-achieve na ako sa buhay,” sabi ni Max.

Si Max din kasi ang breadwinner ng pamilya kaya sa ngayon daw talaga ay pamilya niya rin muna ang kanyang priority?

Si Pancho na ba ang nakikita niyang forever niya?

“Sana, sana. I’m praying, kasi sobrang good boy ‘yun, eh. Sobrang God-fearing. So, swerte ako sa kanya. So, sana siya na,” say ng aktres.

Ang maganda pa raw kay Pancho ay naiintindihan ang trabaho niya kahit minsan ay kailangan niyang magpa-sexy sa role or may mga love scene.

“He’s very understanding naman, alam niya na trabaho lang ito and kailangan naman, eh, artista ako, so he has to be understanding about it. Artista rin naman siya,” she said.

Samantala, Max has just celebrated her 24 birthday last Aug. 28 at ipinagdiwang niya ito kasama ang kanyang loyal fans na aniya ay nandiyan para suportahan siya simula noong unang araw ng kanyang showbiz career. Ito raw ay bilang pasasalamat sa walang sawang suporta ng mga ito sa kanya.

Ana Capri ginawang souvenir ang gamot na bigay ni Daniel

Aminado ang magaling na aktres na si Ana Capri na she, herself is a fan of KathNiel (Kathryn Bernardo at Daniel Padilla) love team kaya naman happy siya na napasama siya sa pelikulang Barcelona, A Love Untold.

“First time ko sila naka-work, then, siyempre, bilang fan din ako. First time ko sila nakita isang beses, parang nasa location ako, nagkataon, nada­anan ko rin sila. Talagang kahit sobrang pagod ko, ‘wait lang, pa-picture rin ako’,” kwento ni Ana.

Ipinost niya ang larawan niya with KathNiel sa social media at sobrang nagulat daw siya napakaraming “likes” na na-receive niya at hindi raw siya talaga nakatulog ng gabi dahil tunog daw nang tunog ang phone sa mga notification.

“Kaya nang sinabi ‘yung film na ‘to (Barcelona, A Love Untold), ‘oo naman, go!’” sey pa ni Ana.

Ang napansin naman daw niya sa KathNiel bilang katrabaho, talagang napaka-dedicated ng mga ito sa work.

“Kahit na ilang beses na ginagawa, andun pa rin, makikita mo na tina-try nila ‘yung best nila.”

Hindi rin makakalimutan ni Ana ang pagka-caring ni Daniel na nang nagkasakit siya ay binigyan daw siya ng gamot.

“Pero ayoko ngang inumin. Souvenir na lang,” natatawa pang sey ni Ana.

Dagdag na kwento ng aktres na ikatutuwa ng fans, “kung gaano sila (KathNiel) ka-sweet sa screen, maski off-cam, sweet sila.”

Sa pelikula ay ginagampanan ni Ana ang stepmom ng karakter ni Daniel at asawa naman niya ang karakter na ginagampanan ni Joey Marquez.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with