Sawsawan
Panaginip: Nagkakainan kami sa aming bakuran, nang may lumipad na ibon sa plato na may suka, pinagsasawsawan namin ng isda. Patay ito nang bumagsak sa platong may suka. Ang mga taong kasalo ko ay ang aking ex-live in partner at present boyfriend niya. In real life, binabalikan ko ang aking ex-partner pero nabigo ako.---Jojo
Interpretation: Ang sawsawang suka ay simbolo ng iyong “ex”. Ang sawsawan mo noon ay sinasawsawan ngayon ng ibang lalaki. Yung pagkamatay ng ibon ay simbolo ng pag-iibigan ninyo—tinapos na niya ito sa pamamagitan nang pagtangging makipagbalikan sa iyo.
- Latest