Baste, Ateneo unahan sa semis
Laro ngayon (Philsports Arena)
10 a.m. – UST vs NU
(Spikers’ Turf semis)
12 noon – La Salle vs Ateneo
(Spikers’ Turf semis)
6 p.m. – San Sebastian vs Ateneo
(V-League playoff)
MANILA, Philippines - Magtutuos muli ngayong gabi ang San Sebastian College at Ateneo de Manila upang pag-agawan ang hu-ling Final Four berth sa isang knockout match sa Shakey’s V-League Season 13 Collegiate Conference sa Philsports Arena sa Pasig.
Magtatangka ang Lady Stags na mu-ling magapi ang Lady Eagles na nauna na nilang tinalo noong eliminations.
Parehong natalo sa huli nilang laro sa quarterfinals ang dalawang koponan na nagbaba sa kanila sa magkatulad na barahang 2-3 upang maitakda ang playoff game para sa ikaapat na slot sa semifinals.
Ang magwawagi ay makakasama ng mga nauna nang semifinalists na Far Eastern University. National University at University of the Philippines.
Ganap na alas- 6:00 ng.gabi ang tapatan ng dalawang koponan ma-tapos ang unang dalawang semifinals matches ng Spikers Turf.
Nakatakdang simulan ang best-of-three semis series ng Spikers’ Turf Season 2 Collegiate Conference ng University of Santo Tomas at NU sa ganap na alas-10:00 ng umaga habang magtutuos sa sarili nilang serye ang magkaribal na La Salle at Ateneo ganap na alas-12:00 ng tanghali.
Bagama’t nagwagi kontra sa Lady Eagles, ayaw ni coach Clint Malazo na magkaroon ng sobrang kumpiyansa ang kanyang team sa kanilang tsansa.
“We can’t rely on Grethcel (Soltones) too much, otherwise we will be predictable. Everyone must step up,” sabi ng SSC coach na tinutukoy ang ginawa nilang record comeback win kontra sa Ateneo sa una nilang pagtutuos kung saan bumalikwas sila mula sa 13 puntos na pagkakaiwan,10-23 sa third frame para gapiin ang Lady Eagles.
Bukod kay Soltones, inaasahang mag-i-step-up para sa Lady Stags sina Denice Lim, Joyce Sta. Rita, Kath Villegas, Vira Guillema at Alyssa Eroa.
Tatapatan naman sila at sisikaping bawian nina Kim Gequillana, Ana Gopico, Pauline Gaston, Bea de leon at Julianne Samonte.
.
- Latest