^

Pang Movies

For real or reel? Alden at Maine mag-on na!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa

Sino kayang loveteam ang susunod na aamin na sila na?

Nauna na ang JaDineJames Reid and Nadine Lustre.

Days ago ay ang KathNielKathryn Bernardo and Daniel Padilla ang nagsabing exclusive na sila sa isa’t isa.

Kahapon ang AlDub – Alden Richards and Maine Mendoza (Yaya Dub) naman ang umamin. Tinanong ni Alden si Maine kung mahal siya nito at sumagot si Maine ng oo mahal niya ang ka-loveteam sa episode ng Kal­yeserye kahapon.

Bagama’t nagwala ang fans sa sobrang kaligayahan sa inamin nila, siyempre may mga nagne-nega kung for real daw ba ‘yun or for reel lang.

Pres. Digong may galit pa sa host ng Miss U?!

Hindi type ni President Rody Duterte na ang American host na si Steve Harvey ang mag-host ng Miss Universe 2016 na idaraos sa bansa sa January 2017.

Ito ang sinabi ni Department of Tourism Sec. Wanda Teo kahapon nang magkaroon ng presscon sa Palasyo.

“Actually under contract siya (Harvey) for five years, I believe. Definitely he’s again going to host the Miss Universe. When I told the President about that, med­yo negative agad ang sabi niya. ‘Hindi puwede,’ that was what he said. And he said, ‘I’m going to talk to the Miss Universe na dapat hindi siya.’ That’s my problem,” sabi ni Madam Teo na mabilis na kumalat sa social media at nagpa-trend sa American TV host na nagkamali sa pagbasa ng pangalan ni Pia Wurtzbach sa Miss Universe last year.

Ang pangalan ni Miss Colombia Ariad­na Gutierrez ang tinawag niyang nanalo pero ang nakasulat pala sa result card ay si Pia. Mabilis naman siyang nanghingi ng paumanhin at ikinorek ang pagkakamali.

Pero ob­viously hindi pa ‘yun limot ni President Digong.

 “Siguro that’s what I‘m going to do para hindi talaga ma­gagalit ang Presidente. Siguro maglalagay ako ng girl from the Philippines who will co-host. Wala pa kaming naiisip, probably one from the media,” sabi pa ng kalihim ng Tourism.

Samantala, kinumpirma na si Sec. Teo na nakaipon na si dating Gov. Chavit Singson ng kalahati sa gagastusin sa Miss U, ($518 million). Eh $11 million ang estimated budget nila.

Maalalang sinabi ni former governor now Councilor Chavit Singson na nakahanda na ang Boeing 747 at isang yatch na gagamitin ng contestants and entourage ng pageant. Siya mismo ang bumili ng nasabing eroplano at sosyal na yate.

Anyway, maaalang sinabi ng American TV host na excited siyang makarating ng Pilipinas. Nag-volunteer pa noon si Pia na siya mismo ang magpapasyal sa TV host sa magagandang tourist spots ng ‘Pinas.

vuukle comment

GITUKHANG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with