^

Metro

Rider utas sa motorcycle crash

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang 34-anyos na motorcycle rider habang sugatan naman ang kanyang kinakasama makaraang sumalpok ang kanilang motorsiklo sa sementadong pader at poste sa Quezon City kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ng Quezon City Police Traffic Sector 4, nakilala ang biktima na si Jon Jon Purisima ng # 42 Sct. Borromeo St., Brgy. South Triangle sa nasabing lungsod.

Habang ginagamot naman sa East Avenue Medical Center ang kinakasama nitong si Merlita Gregorio, 40.

Sa ulat ni PO3 Henry Luna, naganap ang insi­dente sa kahabaan ng  Scout Torillo malapit sa pa­nulukan ng Kamuning Road sa Bgy. Sacred Heart, Quezon City.

Lumalabas na minamaneho ni Purisima ang motorsiklo na walang plaka habang kaangkas si Gregorio nang salpukin nito ang pader pagsapit sa nasabing lugar habang patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with