^

PM Sports

Lady Bulldogs inupuan ang semifinals seat

Pang-masa

MANILA, Philippines - Pormal na umusad ang National University sa semifinal round ng Shakey’s V League Season 13 Collegiate Conference matapos igupo ang University of the Philippines, 23-25, 25-19, 26-24, 25-19, kahapon sa Philsports Are-na sa Pasig City.

Naunahan sa first set kung saan ipinahamak sila ng itinalang 12 unforced errors, bumalikwas ang Lady Bulldogs at winalis ang sumunod na tatlong set para makamit ang panalo laban sa Lady Maroons.

“Sinabi lang namin sa kanila after ng first set, i-minimize nila ang kanilang errors,” paha-yag ni coach Edjet Mabbayad.

Umiskor ng kanyang league-best na 20 points si Aiko Urdas na tinampukan ng 16 hits bukod pa ang 2 aces at 2 blocks para magsilbing susi sa naging panalo ng NU.

Ito ang kanilang ikatlong sunod na ratsa-da na nag-angat sa kanila sa barahang 4-1 na nagpatatag ng kapit nila sa liderato.

Nanguna sa nasabing panalo ng Lady Bulldogs si Jaja Santiago na nagtala ng 21 points kasama ang match at set point sa third set.

Sa kabilang dako, namuno naman para sa Lady Maroons, bumaba sa 2-2, sina Diana Carlos at Tin Bersola na tumapos na may 12 at 11 puntos, ayon sa pagkakasunod.

Sa Spiker’s Turf, di-naig ng Ateneo ang UP, 25-21, 25-18, 25-12, pa-ra walisin ang Group B at tinalo ng St. Benilde ang Phl Marine Merchant School, 25-17, 32-30, 29-27, sa ‘no-bearing game’. (FML)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with