^

Punto Mo

Huwag payagang ilibing si Marcos sa Libingan ng mga Bayani

PULSO NG MASA - Pang-masa

Naniniwala ako na kahit ilibing si dating Presidente Marcos sa Libingan ng mga Bayani ay hindi pa rin matatapos ang isyu. Maaaring mas malala pa ang mangyayari kapag pinayagan itong malibing. Kaya para sa akin, mas mabuting sa hometown na lamang niya sa Ilocos Norte ilibing ang dating presidente. Magiging tourist attraction pa ang libingan niya kapag doon siya inihimlay. At saka di ba ito ang kahilingan umano niya -- ang mailibing sa kanilang musoleo katabi ang kanyang ina.

Para sa akin, kung itutuloy ang paglilibing niya sa Libingan ng mga Bayani, hindi rin magkakaroon ng katahimikan.

Malaki ang aking paniwala na sisirain ng mga tutol sa pag­lilibing ang kanyang nitso bilang ganti. Baka mas masahol pa ang gawin dahil sa galit. Kahit pa may bantay ang libingan niya, maaari itong sirain.

Sana, mapaglimi ito ng mga awtoridad.

Maraming salamat. – MANUEL CARASCOS, Punta, Sta. Ana, Manila

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with