^

Pang Movies

Karla nagbunga ang pagiging driver kay Ruffa

- Vinia Vivar - Pang-masa

Sa guesting ni Ruffa Gutierrez sa Magandang Buhay aired last Friday, na-reveal na dahil pala sa kanya kaya nagkamabutihan sina Rommel Padilla at Karla Estrada at nagbunga ng isang Daniel Padilla.

Ang kwento ni Karla, siya raw ang driver/chaperone ni Ruffa sa tuwing nakikipag-date ang kaibigan kay Robin Padilla na boyfriend nito noon.

Ang ganap daw noon, susunduin niya si Ruffa gamit ang kotse niya at makikipag-date ito kay Robin.

“Tapos, habang hinihintay ko siya, ine-entertain ako ni Rommel,” kwento ni Karla.

Pagbubuking naman ni Ruffa, “alam n’yo ‘yung nangyari? Kami, tsika-tsika lang kami ni Robin Padilla. Dyusko, ang driver ko (Karla), iba na pala ang ginagawa doon sa baba! Ang bunga? Daniel Padilla!”

Sa nasabing episode rin, viewers learned kung gaano na katagal ang friendship nina Karla at Ruffa. At nagkaiyakan pa sila while recalling na napakarami na nilang pinagdaanan together and through thick and thin ay magkasama sila.

Ayon pa kay Karla, nang time na nabuntis na nga siya ni Rommel, si Ruffa raw ang kanyang unang sinabihan.

“And sabi lang niya, ‘Whatever your decision isu-support ko basta nandito lang ako”,” say pa ni Karla.

Sa success ngayon ni Karla, Ruffa is so happy for her dahil saksi rin naman siya sa pinagdaanan noon ng kaibigan.

“I’m so happy na talagang lahat ng hirap na dinanas mo, na-overcome mo ‘yun. Tingnan mo ngayon. Because Karla is a true friend, she’s a true person, kaya tingnan mo naman ‘yung ibinigay na pagbabalik sa kanya ni Lord. Successful na siya ngayon.

“So, hindi ka na maghihirap. Lahat ng kadiliman na nangyari sa buhay mo, pumalit ‘yun ng masasayang araw, and hopefully forever na,” naiiyak na mensahe ni Ruffa kay Karla.

Yassi tumiwalag na kay Kuya

Sa paglabas ni Yassi Pressman sa Pinoy Big Brother house ay nagpasalamat siya sa kanyang Instagram account for being a part of PBB Lucky 7.

“I’ve come out a bigger dreamer, a stronger human being, and an even more sensitive person. I am so thankful for the opportunity to go into Kuya’s house, despite all the hardships, when there was no food, and nowhere to sleep, and with difficult challenges, I could only be stronger with my housemates.

“I’ve gained some amazing friends, and come out with more than I could imagine. Mas pinapahalagahan ko na ang lahat ng bagay at tao sa paligid ko, and I am so excited to share more. Sobrang salamat Kuya.

“Salamat Pinoy Big Brother. Salamat din sa lahat ng sumuporta. Mahal na mahal ko kayo!

“Hello, Philippines, and Hello Worldddd!” post ni Yassi last Sa­turday.

Mabuti na rin na nakalabas na si Yassi dahil nasa promo time na ngayon ang pelikula niya sa Viva Films na Camp Sawi na malapit nang ipalabas.

At least ay makakatulong siya sa promo since matatandaang bigla na lang siyang pumasok sa PBB habang isinu-shoot pa ang movie at kinailangang gumawa ng paraan ng direktor na si Irene Villamor sa remaining days ng shooting na wala na siya.

Pero say naman ni Direk Irene, bago pumasok si Yassi sa PBB ay natapos na nito lahat ng major scenes nito sa Camp Sawi at mga minor scenes na lang ang natira na madali namang gawan ng paraan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with