Panlilio pormal na iluluklok bilang SBP chief
MANILA, Philippines – Inaasahang hihirangin si Al Panlilio bilang bagong pangulo ng Samahang Basketbol ng Pilipinas sa idaraos na national congress at election of officers ng cage federation ngayon sa Dusit Thani Hotel sa Makati City.
Kabuuang 13 board seats ang pupunan sa congress kasunod ang pagpupulong ng 25-man board para sa botohan ng mga bagong SBP officers.
Kung sakali ay si Panlilio ang papalit kay Manny V. Pangilinan bilang bagong presidente ng national basketball federation.
Ang 48 cage leagues sa buong bansa ang bumubuo sa national cage federation.
Si Panlilio, ang Meralco Bolts representative sa PBA board, ay isang SBP board member na kumakatawan sa pro sector kasama sina PBA commissioner Chito Narvasa, chairman Robert Non at vice chairman Erick Arejola.
- Latest