^

Police Metro

P2-B shabu, kemikal nasamsam; Chinese drug trafficker tiklo

Pang-masa

MANILA, Philippines – Umaabot sa P2 bilyong halaga ng shabu at mga kemikal ang nakumpiska ng pinagsanib na elemento ng pulisya at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)  sa serye ng operasyon sa Angeles City, Pampanga, hangganan ng Apayao at Cagayan nitong Biyernes ng hapon at nitong Sabado ng umaga.

Sa ulat na tinanggap kahapon ni PNP Chief P/Director Ge­neral Ronald “Bato” dela Rosa , dakong alas-4:30 ng hapon nang salakayin ng mga operatiba ang isang bodega sa # 6-7 Jasmin Street, Hensonville Subdivision, Brgy. Malabanias, Angeles City, Pampanga.

Arestado sa operasyon ang Chinese drug trafficker na si Yiye Chen, 42 anyos, miyembro ng isang transnational drug traffic­king syndicate.

Ayon naman kay Police Regional Office (PRO) 3 Director P/Chief Supt. Aaroon Aquino  ang raid ay matapos na isang concerned citizen ang magbigay ng tip sa mga awtoridad hinggil sa illegal na aktibidades sa lugar kung saan marami umanong pumaparadang behikulo sa nasabing bodega.

Sa bisa ng search warrant na inisyu ni Executive Judge Bernilito Fernandez  ay isinagawa ang raid sa naturang bodega na nagresulta sa pagkakaaresto kay Chen.

Nasamsam ng mga awtoridad mula kay Chen ang 30 kilo ng shabu na nakasilid sa malalaking tea bag na nagkakahalaga ng P100 M at mga drug paraphernalias.

Samantala, sa operasyon naman nitong Sabado ng umaga sa hangganan ng Brgy. Ayaga, Ballesteros, Cagayan at Brgy. Malekkeg, Sta. Marcela, Apayao ay nasamsam naman ang aabot sa P1.9 bilyong halaga ng sari-saring uri ng mga kemikal na gamit sa pagmamanupaktura ng shabu.

Base sa report ng Police Regional Office (PRO) 2, nagresponde ang mga elemento ng pulisya  base sa tip ng mga sibilyan at narekober ang 14 malalaking water jugs na makakayang maglaman ng anim na galon o kabuuang 84 galon ng chloroform, controlled precursor at iba pang mga likidong kemikal na ayon sa mga chemist ay pangunahing sangkap sa paggawa ng shabu na kapag na-proseso ay makakayang magmanupaktura ng kabuuang P 1,907,484.000.00 ng shabu ang mga nakumpiskang kemikal.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with