^

Police Metro

Encounter : 4 sundalo, 2 rebelde todas

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Apat na sundalo at dalawang miyembro ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) ang nasawi, 12 pa sa tropa ng pamahalaan ang nasugatan habang tatlo namang rebelde ang nasakote sa magkakahiwalay na bakbakan sa lalawigan ng Compostela Valley, ayon sa opisyal kahapon.

 Sinabi ni Captain ­Rhyan Batchar, Spokesman ng Army’s 10th Infantry Division (ID),  dakong ala-1:30 ng hapon nitong Huwebes nang  unang makasagupa ng tropa ng Army’s 25th Infantry Battalion (IB) sa loob ng 15 minuto ang grupo ng NPA rebels sa KM 56, Brgy. Rizal, Monkayo ng lalawigan.

 Sa nasabing bakbakan, ayon kay Batchar ay dalawang sundalo ang nasugatan at dinala na sa Camp Panacan Hospital para malapatan ng lunas.

 Ayon sa opisyal sa hot pursuit operations naman bandang alas-7:50 ng umaga nitong Biyernes ay nakasagupa ng tropa ng militar ang nasa 60 rebelde  sa  naturang  lugar na nagpasabog pa ng Improvised Explosive Device (IED).

 Ang sagupaan ay tumagal ng 45 minuto na ikinamatay ng tatlong sundalo habang sampu pa ng mga itong kasamahan ang nasugatan at dalawa naman ang napaslang sa hanay ng mga rebelde kabilang ang isang amasona.

Nagawa pang matangay ng mga rebelde ang mga armas ng tatlong nasawing sundalo at inabandona naman ang napatay nilang kasamahang amasona. Nasakote naman ng tumugis na tropa ng mga sundalo ang tatlong rebelde kabilang ang isa sa mga sugatan.

 Sa isa pang insidente, dakong  ala-1 naman ng hapon  ng makasagupa ng mga kawal ng 71st Infantry Battalion ang 30 rebelde sa Brgy. Parasanon, Maragusan, na malubhang ikinasugat ng isang sundalo  na bagaman nagawa pang maisugod sa pagamutan ay hindi na naisalba ang buhay. Isa ring rebelde ang nasawi sa bakbakan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with