^

PSN Showbiz

‘Di lang suspendido, Paolo ligwak na sa Bulaga?!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Marami ang umasa na mapapanood si Lola Tidora (Paolo Ballesteros) sa first anniversary celebration ng AlDub o ng tambalan nina Alden Richards at Maine Mendoza noong nakaraang Sabado, July 16 pero hanggang sa natapos ang programa ng Eat Bulaga ay wala ni anino ni Lola Tidora ang nakita.

Suspendido lang kaya si Paolo sa Eat Bulaga o tuluyan na itong tinanggal sa longest-running noontime show ng bansa?

Ayaw magsalita ang mga Dabarkads na may kina­laman kay Paolo.

Pero may dalawang movie naman itong ginaga­wa ngayon na parehong pinamamahalaan ni Jun Lana, ang Bakit Lahat ng Guwapo May Boyfriend under Viva Films kung saan niya kasama sina Anne Curtis at Dennis Trillo. Ginagawa rin ni Paolo ang Die Beautiful.

Si Paolo ay naging bahagi ng Eat Bulaga in 2001 until his suspension from the program early this year.

Magazine ng AlDub pinadagdagan

Samantala, nag-re-print ang Summit Media, publisher ng number one entertainment magazine na YES! Magazine para sa kanilang 2016 issue ng 100 Most Beautiful Stars kung saan sina Alden Ri­chards at Maine Mendoza ang nasa cover dahil agad umanong na-sold out ang copies na naka-distribute sa mga maga­zine stands at bookstores.

Ngayong naka-isang ta­on na ang tambalan nina Alden at Maine, mapanatili pa rin kaya ng magka-loveteam ang kanilang pagiging maiinit on their se­cond year? Marami kasi ang nagsabi na hindi umano magtatagal ang loveteam ng dalawa at inihalintulad ang kanilang love­team sa “flash in the pan” lamang.

Annabelle at Ruffa bati-bati muna

Matutunghayan na sa darating na Lu­nes, July 25, 8:30 p.m. on E! channel ang ika-apat na season ng family reality show na It Takes Gutz To Be a Gutierrez na tinatampukan ng pamilya ng mag-asawang Eddie Gutierrez at Annabelle Rama kasama ang kanilang anim na anak na sina Ruffa, Rocky, Elvis, Richard, Raymond at Ritchie Paul, ang misis ni Elvis na si Alexa, ang live-in partner ni Richard na si Sarah Lahbati, mga apo at iba pa.

Sa presscon ng It Takes Gutz To Be A Gutierrez na ginanap sa Marco Polo Hotel nung tanghali ng Lunes, July 18, nabigla ang mga dumalong press nang biglang humagulhol ang Gutierrez matriarch na si Annabelle Rama nang ito’y tanungin na may kinalaman sa kanyang panganay at kaisa-isang anak na babae na si Ruffa Gutierrez. Ang pag-iyak ni Annabelle ay walang kinalaman sa tahasan niyang pag-ayaw sa nobyo ni Ruffa na si Jordan Mouyal kundi sa kakaibang sakit na hindi pa rin ma-trace ng mga doctor kung ano dahil wala silang findings na makita sa aktres.

Tatlong beses na umanong inatake si Ruffa ng kanyang kakaibang sakit tuwing mada­ling araw na ang pinakahuli ay limang minuto umanong namatay si Ruffa nang ito’y isugod ni Richard Gu­tier­rez sa paga­mutan.

Since walang makitang sakit ang mga doctor kay Ruffa, may mga nagsabi na baka ito’y kulam.

Balak ni Annabelle na dalhin si Ruffa sa Singapore for ano­ther check-up.

Na-touch naman si Ruffa sa pag-aalaala sa kanya ng kanyang ina kahit madalas silang mag-away at magkatampuhan.

Jaya ipinaalam kay Regine ang paglipat

Walang exclusive contract ang singer-actress na si Jaya sa Kapuso network kaya hindi kataka-takang mapanood siya sa rival station na ABS-CBN bilang isa sa judges ng Tawag ng Tanghalan segment ng It’s Showtime.

Na-appreciate naman ni Regine Velasquez, isa sa malalapit na kaibigan ni Jaya sa Kapuso network nang ito’y mag-text sa kanya to let her know ng kanyang paglipat sa Kapamilya network.

Si Jaya ay isa lamang sa marami-rami nang ta­lents ng Kapuso Network na nago-ober-da-bakod for greener pasture.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with