^

PSN Showbiz

Lovi sagad ang laplapan kay Derek

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Siguradong maglalagari na si Lovi Poe kapag nagsimula na ang bagong GMA Primetime series na Someone To Watch Over Me. Nagsu-shooting kasi siya ng Regal Films movie na The Escort sa kasalukuyan. In fact, the day after ng storycon ng bago niyang teleserye, bumiyahe na ito pa-Kandaya Resort sa Cebu para sa three days shooting.

Marami ang nainggit kay Lovi dahil sa post nitong video ng kissing scene nila ni Derek Ramsay na kuha sa shooting ng The Escort. Marami rin ang kinilig sa kanila at dahil sa eksenang ‘yun, nadagdagan ang gustong manood ng movie.

Pagbalik niya ng Manila, sa taping ng soap naman siya magre-report dahil kailangan nang simulan ni direk Maryo J. Delos Reyes ang Someone… since August na ang airing nito.

Jessy pabobonggahin ang pagrampa

Para siguro i-announce kung kailan ang Victory Party at rarampa si Jessy Mendiola bilang 2016 FHM Sexiest ang pa-presscon ng FHM. Maganda at mas magiging masaya ang presscon kung dadalo rito si Jessy dahil sa maraming isyu na kanyang kinasasangkutan.

Kabilang dito ang relasyon nila ni Luis Manzano na sa huling interview sa dalaga ay “what you see is what you get” ang isinagot. Pagrereakin din tiyak ito sa pahayag ni Angel Locsin na masaya siya para sa kanila ni Luis.

May message din pala ang kanyang ina sa bashers nito sa pananalo bilang FHM Sexiest. Palaban ang ina ni Jessy sa mga basher sa post nito sa social media.

Ang ilang bahagi ng post ay nagsaad ng “FHM deserves someone like Jessy...witty strong knowledgeable she has all the qualities to be number one that is. The Star Magic aim to be no. 1 she wins you lose that the name of the ballgame...play on! Dami nyo problema di mag FHM kayo.”

Jennylyn at Sen. Chiz inaawitan sa Juan…

Habang inihahanda pa ang My Love From The Star, papasok daw muna si Jennylyn Mercado sa isa sa umeereng teleserye ng GMA 7. Wish ng fans nina Jennylyn at Dennis Trillo, sa Juan Happy Love Story siya mag-guest bilang ex ng aktor dahil miss na nilang mapanood ang dalawa.

Maiintindihan daw ni Heart Evangelista kung maggi-guest si Jennylyn dahil friends naman sila. Ito ang nakatatawa, maiintindihan din daw nilang viewers ng Juan Happy Love Story kung magi-guest dito si Senator Chiz Escudero.

Swak din kung papasok si Jennylyn dahil sa story ngayon ng Juan Happy Love Story ay hiwalay muna sina Juan (Dennis) at Happy (Heart).

Valeen first time nakapagsuot ng Gucci

May gift din si Regine Velasquez kay Valeen Montenegro kahit wala ito sa cast party ng Poor Señorita. Gaya kay Sheena Halili, Gucci shoes din ang ibinigay ng Songbird kay Valeen na gumaganap na Piper sa rom-com series. Kaya nang i-post ni Valeen sa Instagram (IG) ang gift ni Regine na suot niya, ang caption ay “My first ever GUCCI!! Thank you ate @reginevalcasid!! Very PIPER! I love this pair.”

Nag-last taping day na ang Poor Señorita at ang ganda ng picture na sama-sama ang cast at production staff na pinost ni Regine sa social media. Maiksi ang message niyang “I will miss all of you,” pero ramdam mong galing sa puso.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with