^

Bansa

Graft vs ex-Albay solon pinagtibay ng Ombudsman

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinagtibay na ng tanggapan ng Ombudsman ang pagsasampa ng kasong graft at malversation laban kay dating 3rd district Albay Representative Reno Lim kaugnay ng maanomal­yang paggamit ng kanyang Priority Development Assistance Fund (PDAF) noong 2007 na may halagang P27million.

Kapwa akusado ni  Lim sa 4 counts ng graft at 4 counts ng malversation ang limang opisyal ng Technology Resource Center (TRC), mga representatives ng Kaagapay Magpakailanman Foundation Inc. (KMFI) gayundin si Carmelita Barredo ng C.C. Barredo Publishing House.

Akusado din dito sina TRC executives Antonio Ortiz, Dennis Cunanan, Maria Rosalinda Lacsamana, Marivic Jover at Consuelo Lilian Espiritu gayundin sina KMFI representatives Carlos Soriano at France Mercado. Pinasibak na rin ng Ombudsman sa puwesto sina Jover at Espiritu dahil sa kasong  Grave Misconduct.

Sa rekord, noong Agosto at Nob. 2007, hiniling ni Lim na ipalabas ang PDAF na P30 millyon para ipambili ng 8,000 sets ng livelihood instructional materials at technology kits. Ang im­ple­menting agency ng proyekto ang TRC at  KMFI bilang NGO-partner. Noong 2008, isang kasunduan ang nilagdaan ni Lim,TRC at KMFI representatives. Ang KMFI ay personal na pinili lamang ni Lim at walang naganap na bidding para sa proyekto.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with