^

Pang Movies

Daniel at Erich pinaringgan ang ibang loveteam, ‘wag daw magpanggap

- Vinia Vivar - Pang-masa

Ayaw isipin nina Daniel Matsunaga and Erich Gonzalez na sila ang nagsimula ng trend sa pag-amin ng mga magka-loveteam sa kanilang relasyon. Ang sabi nga ng mga fans nila, sila raw talaga ang team real dahil mas nauna pa silang umamin kina James Reid at Nadine Lustre.

“I believe, lahat naman po tayo, may kanya-kanyang desisyon or may kanya-kanyang pag-iisip. Siguro, nagkataon lang talaga na. . .wala, ever since, wala naman pong pagko-compare na ‘ah, sila ang nauna, sila ang sumunod’, wala.

“Basta kami, we’re just happy, we’re in love, we are so blessed and we’re really grateful for everything that’s happening po sa amin ngayon. God is really good, He gives us more than what we ask for. Sobra,” sabi ni Erich.

So, mai-advice ba nila sa ibang loveteam na maging totoo rin at maging open sa kanilang relasyon?

“Siyempre, dapat maging totoo kasi lahat ng fans, they deserve that, you know, ‘yung to be true to them. Everything that you do, on cam or not, I think, they deserve (to know the truth) because they are there for you, supporting you all the time,” sabi ni Daniel.

He added, “there’s no reason to hide naman, ‘yung mga relationships, if it’s okay with the parents, eh ‘di okay.”

Sinasabi ring isa sa dahilan kung bakit minahal ng te­leviewers ang morning teleserye nilang Be My Lady ay dahil sa ramdam na ramdan din ng manonood ang pagmamahal nila sa totoong buhay. Ano ang reaksyon nila rito?

“Kasi, walang pretentions po, ‘di ba, sabi nila, nasa mata talaga nakikita‘yung soul, kung totoo ‘yung napi-feel mo, real talaga, walang pretensions, walang halong fake, nagre-reflect ‘yun sa kanila at mapapaabot namin sa mga viewers kung ano talaga ‘yung napi-feel ng characters namin,” say ni Erich.

Jennylyn walang awat sa pagpapaseksi kahit naungusan na ni Jessy

Nagmumura ang kaseksihan ni Jennylyn Mercado sa mga post niyang larawan sa Instagram nitong last weekend habang nasa isang beach sa Cebu. Nakasuot ang aktres ng sexy swimwear na talaga namang paulit-ulit kang mapapa-wow.

Habang wala pang proyektong ginagawa, Jen took time out para i-treat ang 2nd manager niyang si Katrina Aguila (daughter of Becky Aguila), ang kanyang long time personal assistant and personal make-up artist

Umani ng libu-libong “likes” ang mga sexy photos ni Jen at ang daming magagandang komento mula sa netizens.

“Still deserves the number 1 spot! #fhm,” komento ng isa.

Post naman ng isa,  “Ikaw talaga ang Pinakasexy sa lahat deserve mo yung FHM.

Ang isa naman, “Grabe naman yan Jen! Yan ang wankata. Sooooo sexy.....wow.”

Mayroon pang, “Pag natalo ka Queen J sa#fhm100sexiest2016 me dayaan na tlagang ngaganap @fhmphilofficial ...effortless ang kaseksihan oh!!!dinaig mo pa ang mga walang anak...#justsaying,” komento naman ng isa.

May isa namang nag-tag kay Bret Jackson at nag-comment ng “Hi @bret.jackson haha crush alert ohh :))”.

Ibig bang sabihin nito ay crush ni Bret si Jen? Hmmm….

Speaking of FHM, sa latest result ay nasa no. 3 na si Jen at nangunguna na si Jessy Mendiola. Si Nadine Lustre na nanguna noong nakaraang bilangan ay nasa no. 2 na ngayon.

Tinanong namin ang manager ni Jen na si Becky Aguila kung ano ang reaksyon ng aktres na nasa no. 3 na lang siya at say niya ay wala naman daw at okay lang naman daw sa aktres.

“She is thankful na she won last year amidst her being a single mom. First time nangyari ‘yan. Grateful si Jen. If she doesn’t win this year, okay lang din. At least na-experience niya na maging no 1. Malaking bagay na ‘yun.

“But that will not stop her from being fit and toned. Innate na ‘yan sa kanya. She will always be conscious of her body and skin. She will grow old gracefully,” pahayag ni tita Becky.

Ayon pa sa manager, pinaghihirapan talaga ni Jen ang katawan nito at talagang dinidisiplina ang sarili.

“Si Jen, may discipline sa sarili niya. She works hard for her figure and well being. Discipline and determination to maintain her body even she is already a single mom. Because she owes it to the public to stay fit and beautiful on screen and para rin sa confidence niya,” sey pa ng manager.

Well, hanggang June 15 pa naman ang final voting and for sure ay hindi papayag ang mga fans ni Jen na hindi siya manalo.

vuukle comment

DANIEL MATSUNAGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with