Enchong hindi magkandaugaga sa trabaho
Malayo na talaga ang narating ni Enchong Dee now celebrating his 10th year sa showbiz.
Hindi man masaya ang lovelife ngayon ni Enchong dahil sa paghihiwalay nila ng kanyang GF of two years, ang Fil-Brit na si Samantha Lewis, walang dahilan ang Bicolano actor na malungkot dahil sa patuloy na magandang takbo ng kanyang career.
Hindi halos magkandaugaga si Enchong sa rami ng kanyang proyektong ginagawa. Showing na sa July 6 ang pelikulang pinagtatambalan nila ni Kiray Celis, ang rom-com-horror movie na I Love You to Death under Regal Films. Meron din siyang educational program sa Knowledge Channel, ang AgriCOOLture and an upcoming TV series with Bea Alonzo and a new album to boot, ang EDM: Enchong Dee Moves.
Enchong is turning 28 on November 5 pero malayo pa umano sa kanyang mga plano ang paglagay sa tahimik. “Not in the next few years,” deklara niya.
Chris Tiu isang linggo nang nabago ang buhay
Isa nang ganap na ama ang basketball star-TV host na si Chris Tiu dahil nagsilang na ang kanyang misis of three years na si Clarisse Ong ng baby girl last June 5 na kanilang pinangalanang Baby Amanda Claire.
“June 5, 2016. The day that changed my life. No championship, no accomplishment can compare to the overwhelming joy we felt when this little girl finally entered this world. I’ve never felt so happy that I was moved to tears,” post niya sa kanyang Instagram account.
Richard sa Ormoc na maglalagi
Tiyak na magiging punong abala ang mag-asawang Rep. Lucy Torres-Gomez at Ormoc City mayor-elect Richard Gomez sa darating na mga araw dahil pareho na silang public servant.
Since si Goma na ang mayor ng Ormoc, mas matagal ang kanyang ilalagi sa nasabing siyudad kesa sa Maynila kung saan nag-aaral ang kanilang unica hija na si Juliana.
Most likely ay tuwing weekend na lamang siguro lilipad patungong Maynila si Goma dahil kailangan niyang mag-stay ng Ormoc most of the time ngayong siya ang bagong ama ng siyudad.
Ang nakakatuwa sa mag-asawa, wala sa plano ni Lucy ang pagpasok sa pulitika. Si Richard ang noon pang pangarap na maging isang public servant. But by twist of fate, si Lucy ang unang naging kongresista (ngayong sa kanyang ikalawang termino) at first time namang uupo bilang mayor si Goma.
Nag-pay off ang pagiging matiyaga ni Goma dahil pagkatapos ng apat na attempts sa pulitika ay pinalad na siya sa ikalimang pagkakataon.
It pays to wait.
- Latest