^

Police Metro

DepEd all systems go na sa balik eskwela

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines – All systems go!

Handang -handa na ang pamunuan ng  Department of Education (DepEd) sa pagbubukas ng klase sa bansa na dadagsain ng milyun-milyong estudyante bukas (Hunyo 13).

Kasabay nito, tiniyak ni DepEd Secretary Armin Luistro na magiging maayos ang pagbubukas ng klase sa mga pampublikong paaralan partikular na ang full implementation ng Senior High School (SHS).

Si Luistro ay mag-iikot sa mga pampublikong paaralan upang personal na makita at magabayan ang maayos na pagbubukas ng klase.

Unang bibisitahin ni Luistro ang Commonwealth High School, na matatagpuan sa Ecols St., Barangay Commonwealth Quezon City.  Samantalang makakasama naman ni Luistro sa pagbisita sa mga paaralan dakong alas-11 ng umaga bukas si incoming DepEd Secretary Dr. Leonor Briones.

Inaasahan namang magiging makasaysayan ang pagbubukas ng School Year 2016-2017 dahil ito ang simula nang pagpasok sa paaralan ng mga Grade 11 students sa bansa. Ang SHS ay bahagi ng K to 12 program ng DepEd, na pinasimulan ni Luistro, at nais namang ipagpatuloy ni Briones.

GOOD GOVERNANCE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with