Pinakamababait na Nanay sa mga Hayop
1. Nakamamangha ang kabaitan ng hayop na opossum o isang klase ng marsupial na may hitsurang parang daga. Ang hayop na ito ay maramihan kung manganak.
Habang sanggol pa ang anak ay nakalagay ang mga ito sa kanilang pouch (parang bulsa sa may tiyan). Kapag naman lumaki na ang mga anak nito ay magsisilipatan na sa likod ng ina at sama-sama sila saan man magpunta.
2. Isa ang polar bear sa mga hayop na likas ang kabaitan sa kanilang mga anak. Higit na 200lbs ang dumadagdag sa kanilang timbang at siyam na buwan naman silang nakahilata lang sa isang den para ihanda ang kanilang sarili sa panganganak kunsaan may apat hanggang sa walong buwan silang hindi kumakain.
3. Ang elepante ang may pinakamatatag na ugnayan sa kanilang mga anak. Mahaba ang kanilang pagbubuntis na umaabot ng 22 months. Pagkapanganak, inaaruga at tinututukan nila ang kanilang mga anak hanggang sa edad na anim. At kahit na malaki na sila, kasa-kasama pa rin nila ang mga ito hanggang tumuntong sila sa edad na 16.
- Latest