^

Police Metro

La Union solon kinasuhan sa PDAF scam

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines - Matapos makakita ng probable cause ay pinakakasuhan ni Ombudsman Conchita Carpio Morales si La Union 2nd District Rep. Thomas Dumpit sa maano­malyang paggamit ng kanyang pork barrel fund na taong 2007 hanggang 2009 na may halagang  P66.5 milyon.

Si  Dumpit ay mananagot sa  15 counts ng paglabag sa section 3(e) ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act (Republic Act No. 3019), 9  counts ng Malversation thru Falsification of Public Documents at 6  counts ng Malversation of Public Funds. 

Batay sa isinumite ng Commission on Audit (COA) napatunayan ng Ombudsman na mula 2007 hanggang 2009 ay tumanggap si  Dumpit ng kabuuang halagang P66.5 milyon ng PDAF para pondohan ang pamamahagi ng livelihood training kits, business clinics, market development, livelihood trainings, distribution ng instructional at  livelihood materials, grafted seedlings, hand tractors, water pumps, manicure sets, hairdressing kits at  sewing machines para  sa kanyang mga  constituents, subalit nadiskubre na ito ay pawang mga ghost projects.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with