^

PSN Showbiz

Kahit ipinagdiinan ang milyones na tax, Kris kawawa pa rin sa netizens; Richard hiyang sa kampanya!

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Ipinagmalaki ni Kris Aquino sa social media ang daan-daang milyong piso na ibinayad niya sa buwis mula 2008 hanggang 2015 pero wala itong epekto dahil lalo siyang binugbog ng kanyang bashers.

SCENE: Dapat lang na magbayad siya ng tamang buwis sa BIR dahil malaki ang kinikita niya ang mensahe kay Kris Aquino ng mga tao na hindi na nagpapabola sa mga matatamis na salita. Panahon na para tanggapin ni Kris ang katotohanan na dumating na ang dapit-hapon sa showbiz career niya.

SEEN: Kahapon ang “working birthday” ni ABS-CBN President Carlo Katigbak dahil nagpunta siya sa University of Pangasinan para asikasuhin at saksihan ang presidential debates.

SCENE: Hiyang sa pangangampanya si Richard Gomez dahil tumaba at lumaki ang tiyan niya. Muling kumakandidato si Richard bilang alkalde ng Ormoc City.

SEEN: Pinakamaaga na dumating kahapon sa University of Pangasinan para sa PiliPinas Debates si Vice President Jojo Binay na sinundan nina Senator Miriam Defensor Santiago at Davao City Mayor Rodrigo Duterte.

SCENE: Ang face-off sa kalye ng Dagupan City ng mga supporter nina Mar Roxas at Mayor Rodrigo Duterte. Natensyon si John Lapus dahil kinakatok na parang pinto ng supporters ni Duterte ang sasakyan nila.

SEEN: Sa May 2, 10:45 a.m., ang pilot telecast ng ‘Yan Ang Morning, ang morning show ni Marian Rivera sa GMA 7. Masusubukan ang galing ni Marian bilang television host sa ‘Yan Ang Morning.

SCENE: Kinunan sa isang resort sa San Juan, Batangas ang beach scene nina James Reid at Nadine Lustre sa This Time, ang romantic movie ng Viva Films.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with