^

PSN Showbiz

Pagdaraos ng Miss U sa bansa ia-announce sa coronation night ng binibini?!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Mamayang gabi na ang pageant night ng Binibining Pilipinas 2016 na hanggang ngayon wala pang matunog na pinag-uusapan kung sino ang mag-uuwi ng korona.

Ang isa sa kinakabahan ay si Bianca Manalo dahil sa kasali ang bunsong kapatid niyang si Nichole Marie Manalo.

Tsika ni Bianca, nakakausap daw niya ang kapatid niya at mukhang mas relaxed pa raw ito kesa sa kanya. Si Bianca raw ang hindi makatulog, at siya ang mas tensed sa performance ng kapatid.

Ang ilan pa sa inaabangan ay ang announcement ng Binibining Pilipinas Charities, Inc. kung sa ating bansa nga ba idaraos ang susunod na Miss Universe, at ang pagdalo rin ng mga kaibigan ni Pia Wurtzbach na sina Miss USA, Miss Myanmar at Miss Malaysia.

PAK: Obvious na iritable si John Lapuz sa jetsetter na si Bernard Cloma dahil sa nagkomento ang huli na flopsina raw ang pelikula niyang Echorsis. Nag-post si Sweet sa kanyang Facebook account ng; “Matagal-tagal na din akong walang nasasapak! Etong si Bernard Cloma sulit na sulit. Lahat ng hinanakit ko sa buhay at sa init ng panahon ibubuhos ko dito. Tapos naman na ako doon sa isang bakla. Exciting! Abangan…”

May ilang kaibigang nagparating nito kay Bernard, at mabilis namang sumagot ang hitad ng “care ko!”

BOOM: Excited si Cherry Pie Picache na umalis patungong Thailand kahapon dahil sa sinamahan niya ang kanyang anak na si Nio Tria na lalaban sa World Junior Tennis Tournament.

Ayon sa magaling na aktres, ito raw ang tournament na talagang pinagdasal niya nang husto dahil kung mananalo rito ang kanyang anak at mga ka-team nito, pasok daw ang Pilipinas sa Super Junior na tournament sa Europe.

Ito raw ang dream ng kanyang anak na gustung-gusto niyang matupad kaya sobrang suportado niya ito.

Kaya isinantabi ni Cherry Pie ang tapings at shooting dahil gusto niyang samahan ang kanyang anak. Proud na proud ang aktres sa malaking achievement na ito ng kanyang anak.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with