^

PSN Showbiz

Richard Merk at asawa, nangangailangan ng tulong Miss USA nasa bansa na

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Ang paglitaw at pagkalat ng mga video scandal ni Mystica at ng kanyang dating karelasyon dahil sa pagbatikos niya sa presidential candidacy ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte. Kilalang matatapang at palaban ang mga supporter ni Duterte.

SCENE: Hulas na hulas ang mukha ni Kris Aquino dahil sa sobrang init ng panahon nang ipangam­panya niya sa Bulacan sina Mar Roxas at Leni Robredo.

SEEN: Ang mala-yoyo na katawan ni Geoff Eigenmann dahil mabilis siya na tumaba at mabilis magpapayat. Mataba na uli ngayon si Geoff.

SCENE: Dumating kahapon sa Pilipinas si Miss USA at Miss Universe 2nd runner up Olivia Jordan. Dadalo si Jordan sa coronation night ng Bb. Pilipinas 2016 na magaganap ngayon sa Smart Araneta Coliseum.

SEEN: Nakiramay kay Mark Herras ang pamilya ni Alden Ri­chards na kababayan niya sa Sta. Rosa, Laguna. Ililibing sa Martes ang sumakabilang-buhay na nanay ni Mark.

SCENE: Nagkaisa ang mga kaibigan nina Ri­chard at Roni Merk na magkaroon ng fundrai­sing show para makatulong sa pagpapagamot ng mag-asawa. Nanganganib na putulin ang paa ni Richard dahil sa diabetes at naka-confine rin sa ospital ang kanyang asawa na sumailalim sa isang major operation.

SEEN: Malapit nang matapos ang Bakit Manipis Ang Ulap ng TV5 pero hindi nagtagumpay si Claudine Barretto na magbawas ng timbang.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with