^

PSN Showbiz

Binaon na rin sa limot ang mga taong inutangan noon female personality mas malaki pa ang ulo kesa sa anak na heartthrob

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Napakaraming kuwentong umiikot ngayon na nagpapatunay na nagbago na nga ang isang female personality na kung ilarawan ng kanyang mga dating nakakatrabaho ay nakikiamot lang naman ng popularidad sa kanyang anak na sinuwerteng sumikat.

Ang dami-daming kuwento, ewan kung nakakagat palagi ng babaeng personalidad ang kanyang dila, siya kasi ang palaging pinagpipistahan ngayon kahit saan.

Kuwento ng kanyang mga kaibigan ay hindi raw totoong lumaki na ang kanyang ulo, katawan lang daw niya ang lumobo, hindi lang daw naiintindihan ng  mga dati niyang kaibigan ang ina ng heartthrob kuno ngayon.

Ang totoo raw ay naging sobrang busy na ng female personality mula nu’ng sumikat ang anak niya, palagi siyang nakasubaybay sa bagets, kaya hindi na niya nabibigyan ng panahon ang mga dati niyang kaibigan.

Pero kuwento ng isang source na ramdam na ramdam din ang pagbabago ng ina ng bagets, “Naku, tama na ang litanyang ganu’n, nabenta na ‘yun nang matagal na panahon, mag-isip naman sila ng ibang maidadahilan.

“Ang totoo, e, mas nauna pang naging hydrocephalus ang ulo ng babaeng ‘yun kesa sa anak niya. Ano ba namang kahit sa text lang, e, makumusta niya naman ang mga taong napakalaki ng naitulong sa kanya nu’ng waley na waley pa siya?

“‘Yung isang friend nga niya na kahit anong oras nu’n, e, puwede niyang puntahan dahil sa pangungutang niya ng pambayad sa ilaw at tubig, e, ni hindi man lang niya binati nu’ng magkita sila sa isang restaurant?

“Ang nakakaloka, ‘yung friend pa niya ang napa­hiya sa ginawa niya, hindi kasi ine-expect ng taong ‘yun na nagbago na siya, na nakalimot na siya sa nakaraan, ‘yung inuutangan pa niya dati ang na­ka­pag­patunay na yumabang na nga pala ang female personality,” nakairap na kuwento ng aming impormante.

Ubos!

Pero palaban Phillip Salvador kapos sa bala

Ayon sa mga nakakausap naming residente ng Bulacan ay maganda raw sana ang laban ni Phillip Salvador sa pagka-vice-governor, pero ang problema, wala siyang sapat na bala sa giyerang pinasok niya.

Ang kanyang kalaban na si VG Daniel Fernando ay may pagkukunan, ito ang kapartido ng kasalukuyang gobernador ng lalawigan, nakasandal daw sa pader ang kaagawan sa posisyon ni Kuya Ipe.

“Pero kung ang magiging basis, e, ang init ng pagtanggap sa kanya ng mga Bulakenyo, kung ngayon na gagawin ang botohan, e, panalo si Phillip! Pinagkakaguluhan siya kahit saan.

“Kilig na kilig ang mga niyayakap at kinakamayan niya. Kaso, hindi lang naman sa kilig idinadaan ang mga labanan sa politics. Kailangang nakahanda rin ang bulsa niya,” kuwento ng aming source.

Tulad ni Senadora Grace Poe ay meron ding kumokontra-kumukuwestiyon sa kandidatura ng magaling na action star ngayon. Pero matindi ang paniniwala ni Kuya Ipe na kung para sa kanya talaga ang posisyon ay walang kahit sinong puwedeng humarang sa kanyang pangarap na mapagserbisyuhan ang kanyang mga kababayan sa Bulacan.

“Kung ano ang naghihintay na kapalaran ko sa labang ito, du’n lang ako.

Basta, buo sa puso ko ang kagustuhan kong makatulong sa mga kababayan kong Bulakenyo. Kung loloobin ng Pangi­noon na matupad ang pangarap ko, mara­ming-maraming salamat,” palaging sinasabi ni Kuya Ipe.

Kundi man siya palarin ay meron pa rin naman siyang masasandalan. Ang isang magaling na aktor na tulad niya ay walang pinipiling panahon. Sa aspetong ‘yun ay walang kahit sinong makahaharang sa kanyang pagbabalik.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with