Accelerators nakauna sa Bakers sa D-League Aspirants’ Cup Finals
LARO SA MARTES (Filoil Flying V Arena, San Juan)
12 n.n. CafeFrance vs Phoenix-FEU
(Game 2, Finals)
MANILA, Philippines - Nakuha ng Phoenix-FEU ang unang panalo ng 2016 PBA D-League Aspirants Cup Finals matapos talunin ang defending champion na CafeFrance, 82-78, sa Ynares Center sa Pasig kahapon.
Tumapos na may 18 puntos si FEU guard Roger Pogoy na nanguna sa limang manlalaro ng Accelerators na umiskor ng double-digits.
Ang mga ito ay sina Ed Daquioag, Mac Belo, Mike Tolomia at Russell Escoto na nagtala ng 16, 15, 13, at 12 points, ayon sa pagkakasunod.
Nakalamang ng malaki ang Accelerators sa second quarter na nagsimula nang ma-foul ni Samboy De Leon si Belo na naibuslo ang isang fastbreak lay-up.
Hindi man nakumpleto ni Belo ang 3-point play ay nagtuluy-tuloy naman ang magandang shooting ng kanyang mga kakampi dahilan upang magbaon ng 41-29 abante sa pagtatapos ng first half.
Mula doon ay lumobo ang kalamangan ng Accelerators sa 20 points, 51-31, sa third quarter ngunit naibaba ito ng Bakers sa tatlong puntos, 78-81, sa pangunguna nina Paul Zamar at Carl Bryan Cruz.
Ngunit kinapos rin sila sa huli.
“Ini-expect naman namin ‘yung makakahabol sila,” ani coach Eric Gonzales. “There’s no such thing as perfect defense, but perfect effort.”
Nagbunga ang depensa ng Accelerators kay import Rodrigue Ebondo na hindi nakaiskor sa third quarter. (FML)
PHOENIX-FEU 82 - Pogoy 18, Daquioag 16, Belo 15, Tolomia 13, Ru. Escoto 12, Ri. Escoto 4, Andrada 3, Jose 1, Iñigo 0, Mendoza 0, Pascual 0, Tamsi 0.
CafeFrance 78 - Ebondo 16, Zamar 12, Casino 11, Abundo 8, Jeruta 8, Manlangit 8, Opiso 5, Cruz 4, Anunciacion 2, Celso 2, De Leon 2, Arim 0, Villahermosa 0.
Quarterscores: 17-12; 41-29; 65-50; 82-78.
- Latest