Bradley kumpiyansang mananalo kay Pacquiao sa kanilang trilogy
CALIFORNIA -- Kitang-kita ang pagiging kumpiyansa ni Timothy Bradley, Jr. sa kanyang pagsagupa kay Manny Pacquiao sa ikatlong pagkakataon.
Ito ay dahil sa sinasabi niyang pinakamaganda nilang ginagawa ni chief trainer Teddy Atlas sa training camp.
“If I fight the way I sparred yesterday, I’ll win every round,” sabi ni Bradley sa mga reporters na bumisita sa kanyang Indio gym.
Ang 32-anyos na si Bradley (33-1-1, 13 knockouts) ay nabigyan ng kumpiyansa ni Atlas, ang ESPN boxing analyst na minsang naging trainer ni Mike Tyson, sa kanilang fight plan na nakabase sa depensa.
Ang resulta nito ay ang ninth-round technical knockout win ni Bradley laban kay dating lightweight champion Brandon Rios noong Nobyembre.
“This time around is going to be different because I’m fundamentally a better fighter,” sabi ni Bradley sa pagharap niya kay Pacquiao sa Abril 9. “You can say what you want about the Rios fight, him being fat, overweight, whatever, but check out my mechanics, how tight my punches were, how precise they were. I was in tight.”
Ikinainis ni Bradley ang kritisismo sa kanyang kontrobersyal na 2012 split-decision victory kay Pacquiao sa kanilang unang paghaharap.
Sa kanilang rematch noong 2014 ay niresbakan naman siya ni Pacquiao via unanimous decision.
- Latest