1,400 Catholic schools nagkaisa vs Marcos
MANILA, Philippines - Nagkaisa ang may 1,400 na mga katolikong eskwelahan sa buong bansa na kabilang sa Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) na harangin ang tangkang baguhin ang kasaysayan ng mga Marcos kabilang ang mga karahasan sa panahon ng martial law.
Naglabas ng liham ang mga Catholic schools laban sa tangka ni Sen. Bongbong Marcos na gawing marangal ang mga kahindik-hindik na karanasan ng bayan noong ito ay nasa batas militar o kamay na bakal. “His attempt ‘to canonize the harrowing truths of martial rule,’ must be stopped,” sinabi ng CEAP.
Ang CEAP ay sumuporta sa paglabas ng Ateneo University na nauna ng kumontra sa malawak na indoktrinasyon sa mga kabataan para marebisa ang kasaysayan particular ang ‘Marcosian snares and Imeldific lies’ na ipinakakalat ngayon sa kabataan.
Sa inilabas na pahayag ng CEAP, na may kabuuang bilang na 1,425 CEAP member-schools, colleges, and universities, ipinahayag nila ang buong suporta sa Ateneo de Manila University.
“With the same fervor, (as Ateneo) we cry our hearts out, ‘Never Again!’” sabi ng mga trustees ng CEAP.
Nagpahayag din ng pangamba ang grupo kung bakit kakaunti ang aksyon para kontrahin ang propagandang pro-Marcos na pinapalaganap ngayon sa mga kabataan.
“Marahil ay nagkulang tayo para ipaalala sa mga kabataan ang mga karahasan na naganap sa panahon ng mga Marcos at mas naging malawak ang propaganda na bumabaligtad sa katotohanan,” sabi ng CEAP.
Una nang lumabas ang 5 presidente ng Ateneo universities kasama ang mga faculty members para kondenahin si Marcos sa kanyang tangkang pagbago sa kwento ng kanyang ama at ang Martial Law at maging ang hindi niya paghingi ng tawad sa pagkakaroon ng Batas Militar sa panahon ng kanyang ama.
“In response to Ferdinand ‘Bongbong’ Romualdez Marcos Jr’s call that teachers and students of history should make a judgment about the Marcos administration, we, the undersigned members of the Ateneo de Manila community, vehemently oppose and condemn the ongoing willful distortion of our history… We deplore the shameless refusal to acknowledge the crimes of the martial law regime. We reject the revision of history, disturbing vision of the future, and shallow call for ‘unity’ being presented by Marcos Jr. and like-minded candidates in the 2016 elections.”
- Latest