Away ng angkan: 3 patay
MANILA, Philippines – Tatlong katao ang napatay habang isa ang nasugatan nang magkasagupa ang dalawang magkalabang angkan kamakalawa sa Indanan, Sulu.
Batay sa ulat,bandang alas-5:40 ng hapon ng Biyernes nang magsagupa ang magkalabang angkan ng MNLF at Abu Sayyaf sa Brgy. Buanza, Indanan.
Napatay sa engkuwentro sina Gabir Madjang, dating sundalo sa ilalim ng integration program para sa mga miyembro ng MNLF kasamahan nitong si Mursid Amdaman.
Habang nasawi mula naman grupo ng Abu Sayyaf ay isa sa mga anak na lalaki ng Sub–Commander ng mga bandido na si Abu Pisih sa mahigit 15 minuto na bakbakan.
Isa naman ang nasugatan sa panig ng MNLF na si Sakur Madjang na patuloy na nilalapatan ng lunas sa Sulu Provincial Hospital.
Bago ang bakbakan ay nasangkot ang grupo ni Pisih sa panununog ng tahanan nina Madjang sa Brgy. Buanza dahilan naghihinala itong informer ng militar ang kanilang mga kalaban.
Sa kasalukuyan ay nagpapatuloy ang maigting na pagpapatupad ng law enforcement operation ng tropa ng pamahalaan laban sa mga bandidong Abu Sayyaf sa lalawigan.
- Latest