^

PSN Showbiz

Iboto ang tamang tao – Pia Wurtzbach

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – May mensahe si Miss Universe Pia Wurtzbach sa publiko ilang buwan bago ang eleksyon sa Mayo.

Pinayuhan ni Pia ang mga botante na kilatising maigi ang mga kadidato bago sila iboto sa Mayo 9.

"I hope that we elect the right people because it’s going to shape the country for the next couple of years so it’s very important,” wika ng 26-anyos na beauty queen.

BASAHIN: Pia Wurtzbach nais pasukin ang politika - Drilon

"My advice would be kilalanin n’yo po nang mabuti ‘yung mga iboboto n’yo. Hindi po sapilitan o parang minadaling desisyon. Kailangan po magaan sa loob n’yo kung sino ang iboboto n’yo po for the elections," dagdag niya.

Nais gamitin ni Pia ang kaniyang tinatamasang kasikatan upang payuhan ang publiko hindi lamang sa pagboto ngunit maging sa kanilang kalusugan.

Isa sa mga adbokasiya niya ay ang HIV prevention at cyber bullying.

Nitong kamakalawa ay sinabi ni Senate President Franklin Drilon na nais pasukin ni Pia ang mundo ng politika pagkatapos ng kaniyang mga responsibilidad sa Miss Universe.

Dagdag ni Drilon hindi na kailangang pumasok ni Pia sa politika ngunit iginiit umano ng reigning Miss Universe ang kagustuhan.

 

 

ACIRC

ANG

DAGDAG

DRILON

ISA

KAILANGAN

MISS UNIVERSE

MISS UNIVERSE PIA WURTZBACH

NITONG

PIA

PIA WURTZBACH

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with