^

Bansa

Sa ginawang ‘test flight’ sa Spratlys bagong protesta vs China, ihahain ng Pinas

Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nakatakdang maghain ng panibagong diplomatic protest ang Pilipinas laban sa China dahil sa ginawang pag-landing ng isang civilian plane sa airstrip ng itinayong artipisyal na isla ng China sa pinag-aagawang teritoryo sa Spratlys.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), magpoprotesta ang pamahalaan sa ginawang “test flight” ng China sa Kagitingan Reef (Fiery Cross Reef) sa Spartly Islands na nasa teritoryo ng Pilipinas.

Ayon kay Foreign Affairs Spokesman Charles Jose, pormal na maghahain ng protesta ang kagawaran sa China sa ginawang test flight sa Kagitingan.

Iginiit ni Jose na ang Kagitingan ay bahagi ng Kalayaan Island Group o Spratlys.

Sa kabila nito, sinabi ni Chinese Foreign Ministry Spokesman Hua Chunying na ang kanilang ginawang test flight sa Kagitingan noong Enero 2, 2016 na tinawag nilang  Yongshu Island ay usapin para sa kanilang sariling soberenya. Layunin umano ng flight na testingin kung ang mga pasilidad sa itinayong airport sa nasabing isla ay makukuha ang mga dapat masunod na standard sa civil aviation.

Ang panibagong protesta ng Pilipinas ay katulad sa protesta ng Vietnam nang akusahan ang China na lumabag sa soberenya ng Hanoi dahil sa paglanding ng civilian plane sa Fery Cross Reef noong Sabado.

Iginiit ni Vietnam Foreign Ministry Spokesman Le Hai Binh na ang nasabing airfield ay ilegal na ginawa at itinayo sa Spratlys. Kabilang ang Vietnam sa mga bansa (Malaysia, Brunei, Taiwan) na umaangkin sa pinag-aagawang teritoryo sa Spratly islands.

Ipinadala na ng Vietnam ang kanilang protest note sa Chinese Embassy.

 

ANG

AYON

CHINESE EMBASSY

CHINESE FOREIGN MINISTRY SPOKESMAN HUA CHUNYING

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

FERY CROSS REEF

FIERY CROSS REEF

FOREIGN AFFAIRS SPOKESMAN CHARLES JOSE

KAGITINGAN

PILIPINAS

SPRATLYS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with