^

Dr. Love

Disyembre 23, 2015

KUTOB - Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Ipagpasalamat ang bawat sandaling nadarama ang kabutihan ng Diyos sa mga taong nasa paligid mo, mga biyayang tinatanggap at kalusu­gang nararanasan.

CAPRICORN (Disyembre 22 - Enero 19) – Matutukso sa panlabas na anyo ng isang opposite sex subalit ang ugali naman ay taliwas sa inaasahan. Sa ginagawang pagbaba­lewala sa kalusugan ngayon, maniningil sa pang-aabuso at pagpapabaya rito. Lucky numbers at color for the day ay 1, 15, 20, 34 at dark blue.

AQUARIUS (Enero 20 - Peb­rero 18) – Hindi maaapektuhan ang mga plano na magdudulot ng mabuting resulta kung iiwasan na mag-init ang ulo at maging emosyonal. Magiging produktibo ang araw kung gugustuhin. Lucky numbers at color for the day ay 2, 16, 26, 36 at green.

PISCES (Pebrero 19 - Marso 20) – Ang talinong taglay ay pagkakakitaan ng husto kaysa sa kasalukuyang trabaho. May taglay na kakaibang talino na dapat pag-ukulan ng panahon na ma-develop. Lucky numbers at color for the day ay 3, 17, 32, 41 at silver.

ARIES (Marso 21 - Abril 19) – Makakabuti sa pakiramdam kung susundin ang idini­dikta ng kalooban dahil malakas ang taglay na ESP. Ipinapayong huwag nga­yon mangutang at mahihirapan lamang na magbayad. Lucky numbers at color for the day ay 3, 23, 26, 35 at cream.

TAURUS (Abril 20 - Mayo 20) – Sikapin na mabuksan ang komunikasyon sa isang nakaligtaang kaibigan. Magiging masigla at masayahin sa araw na ito. Dahil dito, marami ang gawaing matatapos. Lucky numbers at color for the day ay 2, 22, 31, 36 at ocean blue.

GEMINI (Mayo 21 - Hunyo 21) Maging tapat sa sarili at iwasan ang maging magagalitin. Magkakaroon ng malakas na disiplina sa sarili kung ibig magbago. Huwag patagalin ang bagay na gustong sabihin dahil ito ang magbibigay ng suliranin sa kalaunan. Lucky numbers at color for the day ay 1, 21, 26, 37 at yellow.

CANCER (Hunyo 22 - Hulyo 22) – Huwag pansinin ang mang-aasar. Iwasan  ang argumento para hindi mapaaway o magkaroon ng kagalit dahil magiging maikli ang pasen­sya sa araw na ito. Lucky numbers at color for the day ay 6, 20, 33, 43 at violet.

LEO (Hulyo 23 - Agosto 22) – Dahil taglay ngayon ang mataas na antas ng karisma. Madaling makakaunawa at kabigha-bighaning kausap. Magiging maganda ang epekto ng pakikipagkasundo sa matagal nang kagalit. Lucky numbers at color for the day ay 5, 19, 22, 29 at sky blue.

VIRGO (Agosto 23 - Setyembre 23) – Tama ang desisyong tawanan ang problema at hanapan ng solusyon sa mahinahong paraan. Magiging abala sa pagpapaayos ng tahanan. Lucky numbers at color for the day ay 4, 18, 39, 40 at milk white.

LIBRA (Setyembre 24 - Oktubre 23) – Matutupad at maibibigay ang naipangako. Iwasan ang gumawa ng bagay na makakasakit sa damdamin ng kapwa. May hihingi ng iyong pang-unawa o paumanhin. Lucky numbers at color for the day ay 12, 16, 24, 37 at brown.

SCORPIO (Oktubre 24 - Nob­yembre 22) – Ang taglay na mun­ting problema ay maaaring lumaki kung hindi aaksiyunan o palilipasin ng ilang araw. Lucky numbers at color for the day ay 17, 24, 30, 37 at emerald green.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 - Disyembre 21) – Magiging taliwas sa inaasahan ang pangyayaring magaganap. Upang mapanatili ang mataas na antas ng respeto at pagkatao, ipakita ang kabutihan at respeto sa kapwa. Lucky numbers at color for the day ay jade green.

vuukle comment

ABRIL

ACIRC

AGOSTO

ANG

COLOR

DAY

LUCKY

MAGIGING

NUMBERS

SHY

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with