^

Metro

2 dayuhan na utak sa ATM skimming timbog ??

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Dalawang dayuhan na pinaniniwalaang utak sa sindikato ng Automated Teller Machine  (ATM) fraud ang naaresto ng mga ope­ratiba ng Quezon City Police District (QCPD ) matapos ang isinagawang entrapment operation sa loob ng isang Automated Teller Machine ng isang bangko sa lungsod Quezon, kahapon ng umaga. Sa ulat ni P/ Supt.Pedro Sanchez, hepe ng QCPD Stn.10, ang mga suspect ay nakilalang sina Alexander Gabriel Varga, 24, binata, Romanian at partner nitong si Mila Kamil, 25, dalaga, Indonesian at kapwa pansamantalang naninirahan sa isang hotel sa Makati City.?

Ang dalawa ay nadakip sa loob ng ATM booth ng Bank of Commerce sa Scout Lazcano cor. Tomas Morato, Brgy. Sacred Heart, ganap na alas 6:23 ng umaga. ?

Bago ito, sabi ni Sanchez, inalarma na niya ang kanyang mga tauhan kaugnay sa iligal na aktibidad ng mga suspect kasabay ng pakikipag-ugnayan sa mga bangko, matapos na makatanggap ng report nitong Dec. 6, 2015 mula sa security guard ng isang bangko hingil sa nakita nila sa CCTV camera na pagkakabit ng device ng ilang dayuhan sa kanilang booth.

Kaya naman, kahapon ng umaga, nang muling makatanggap ng impormasyon ang kanilang tanggapan hingil sa naturang sindikato ay agad na rumisponde ang mga ito at naaktuhan ang mga suspect habang nagkakabit ng skimming device sa loob ng nasabing booth.

Narekober sa mga suspek ang skimming device, mga memory chips, at clone cards  na siyang pangunahing inilalagay ng mga suspect para makakuha ng impormasyon sa kanilang target na biktimahin.

Nakapiit ngayon ang mga suspect sa nasabing himpilan habang inihahanda ang kasong paglabag sa R.A.8484 -Access Devices Regulation Act of 1998 at R.A 8792- Electronic Commerce Act.

ACCESS DEVICES REGULATION ACT

ALEXANDER GABRIEL VARGA

ANG

AUTOMATED TELLER MACHINE

BANK OF COMMERCE

ELECTRONIC COMMERCE ACT

MAKATI CITY

MGA

MILA KAMIL

PEDRO SANCHEZ

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with