^

Bansa

Pangalan ng bagyong Nonoy pinalitan ng PagAsa ng Nona

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Agad pinalitan ng pamunuan ng PagAsa ang pangalan ng bagyong Nonoy sa bagyong Nona na pumasok sa Philippine Area of Responsibility kahapon.

Ito ayon kay Glaiza Escullar, weather forecaster ng PagAsa ay dahil sa ang Nonoy ay kasingtunog ng palayaw ng Pangulong Benigno  Aquino III  na Noynoy.

Kahapon , nang pumasok na sa PAR si No­noy ay agad agad itong pinalitan ng PagAsa ng pangalan ng bagyo na Nona. Ani Escullar ang pagpapalit ng pangalan ng bagyo ay desisyon ng matataas na opisyal ng ahensiya.

“The reason behind it is they said the name sounds like the nickname of the President, referring to President Benigno Aquino III’s nickname, “Noynoy””ayon kay Escullar.

Hindi umano maganda na tawagin ang bagyo sa pangalan ng Pangulo ng bansa dahil inaasahan itong magdadala ng epek­to sa bansa.

Anya katulad noong 2002, ang bagyong Gloria ay pinalitan agad ng pangalang Glenda dahil kapangalan ito ng nooy Pangulong Gloria Arroyo.

Isa ding bagyo na may pangalang Kanor ang pina­litan ng pangalang Karding noong 2014 dahil ang pa­ngalang Kanor ay kapa­ngalan ng isang indibidwal na naging kontrober­siyal sa isang sex video.

Karaniwan tinatanggal naman ng PagAsa sa talaan ng pangalan ng mga bagyo ang isang bagyo kapag ito ay may matin­ding epekto sa bansa tulad ng bagyong Ondoy.

Alas-5 ng hapon kahapon, ang bagyong Nona ay namataan ng PagAsa sa layong 795 kilometro ng silangan ng Guiuan, Eastern Samar taglay ang hangin na umaabot sa 75 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugso ng hangin na umaabot sa  90 kilometro bawat oras.

ACIRC

ANG

ANI ESCULLAR

EASTERN SAMAR

GLAIZA ESCULLAR

KANOR

NONOY

NOYNOY

PANGULONG BENIGNO

PANGULONG GLORIA ARROYO

PHILIPPINE AREA OF RESPONSIBILITY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with