^

Metro

MRT at LRT nagka-aberya

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Magkasunod na nagka-aberya ang biyahe  ng Light Rail Transit (LRT) at Metro Rail Transit (MRT),  kahapon na ikinagalit ng maraming pasahero.

Nabatid mula sa pamunuan ng Light Rail Transit Autho­rity (LRTA) na dakong alas-5:30 pa lamang ng umaga ay ipinaskil na sa mga istasyon ng MRT na hindi diretso ang kanilang operasyon sa halip ay partial lamang mula sa Nort Avenue station hanggang Shaw Boulevard station lamang.

Mula naman sa Ortigas station hanggang Taft Avenue station at vice versa dahil sa pagkakaroon ng aberya sa riles sa pagitan ng Ortigas Avenue station at Santolan station.

Matapos ang mahigit sa isang oras na pagkukumpuni  sa riles ay muling naibalik sa normal ang operasyon ng MRT.

Nabatid naman kay Atty. Hernando Cabrera ng LRTA na nagkaroon din ng aberya ang operasyon ng LRT-2.

Ayon Cabrera, limitado lamang sa Santolan, Pasig at V. Mapa, Sta Mesa station ang biyahe ng LRT-2.

Sinabi ni Cabrera na mayroon maintenance works na tinapos ang mga tauhan nila sa East bound section mula sa Recto Aveneu hanggang Legarda, Sampaloc station.

Dakong alas-8:40 ng umaga noong magbalik sa normal ang operasyon ng LRT-2.

ANG

AYON CABRERA

HERNANDO CABRERA

LIGHT RAIL TRANSIT

LIGHT RAIL TRANSIT AUTHO

METRO RAIL TRANSIT

NABATID

NBSP

NORT AVENUE

ORTIGAS AVENUE

STATION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with