^

PSN Palaro

Overall title ‘di nakawala sa Pinoy squad

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Humakot ng anim na gintong medalya ang Pilipinas sa table tennis event ng 1st  Asia Pacific Univer­sity Games (APUG) na gi­na­nap sa Cebu City.

Binanderahan nina University of Cebu standouts Dannel Jay Tormis (men’s singles) at Diana Oliverio (women’s singles) ang kampanya ng Pilipinas matapos angkinin ang gintong medalya sa kani-kanilang dibisyon.

Nakatiyak din ng ginto ang Pilipinas sa men’s team, women’s team, men’s doubles at mixed doubles upang makuha ang overall title sa torneong inorganisa ng Fe­deration of School Sports Association of the Philippines.

Tanging ang women’s doubles lamang ang humulagpos sa kamay ng Pinoy squad nang makuha ito ng Universiti Teknologi Mara (UTM)-Malaysia.

Sa badminton, nagkasya sa apat na pilak at pitong tanso ang Pilipinas matapos walisin ng powerhouse UTM-Malaysia ang lahat ng limang gintong me­dalya - men’s singles, women’s singles, men’s doubles, women’s doubles at team event.

Ang pilak ng host team ay mula kina John Michael Guibranza (men’s singles), Hannah Alyssa Guibranza at Jomarie Alterado (women’s doubles), Dexter Opalla at Aijun Penute (men’s doubles), at sa Philippines-1 (team event).

Galing naman ang mga tanso kina She­mae Grace Cabaluna at Jenny Rose Ramirez (women’s doubles); Scott Weel Busario at Gideon John Obsemares, Benny Pelito at Christian Paul Cayna (men’s doubles); Jenny Rose Ramirez at Shemae Grace Cabaluna (women’s singles); Christian Paul Cayna (men’s singles); at sa Philippines-2 (team event).

 

ACIRC

AIJUN PENUTE

ANG

ASIA PACIFIC UNIVER

BENNY PELITO

CHRISTIAN PAUL CAYNA

DOUBLES

JENNY ROSE RAMIREZ

MEN

PILIPINAS

WOMEN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with