Walang power interruption sa election - Comelec
MANILA, Philippines – Sisiguraduhin ng Commission on Elections (Comelec) na walang mangyayari na pagpalya sa suplay ng kuryente sa araw ng halalan.
Ito’y matapos magpalabas ng resolusyon ang Commission on Elections (Comelec) para sa mga ahensiyang may kinalaman sa pagsusuplay ng kuryente upang hindi magkaroon ng power interruption ng 2016 elections.
Nais ng poll body na magkaroon ng sapat na suplay ng kuryente sa halalan kaya dineputize ang Department of Energy (DOPE), National Electrification Administration (NEA), National Power Corporation (NPC), National Grid Corporation (NGC) at Local Electrification Cooperatives (LEC).
Sa ilalim ng resolusyon, ang mga nasabing ahensya ay inatasan ng Comelec na maglaan at magmantine ng matatag na electric power requirement sa buong bansa mula Mayo 2, 2016 hanggang sa matapos ang canvassing ng mga boto at proklamasyon ng mga nanalong kandidato.
- Latest