^

PSN Showbiz

Iñigo bumitiw na kay Julia, si Miles ang pinagbalingan

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Kapag nagkataon, doble-dobleng panalo ang makakamtan ni Miles Ocampo sa bago niyang teleseryeng And I Love You So na pagbibidahan niya sa kauna-unahang pagkakataon.

Baka rin magdoble ang kanyang swerte at tuluyan nang makalimutan ng anak ni Piolo Pascual na si Iñigo Pascual ang mga artistang babae na nali-link sa kanya ngayon tulad nina Sofia Andres at Julia Barretto.

Hindi sina Julia at Iñigo ang inili-link ngayon  sa bagong programa ng ABS-CBN kundi sina Inigo at Miles Ocampo.

‘Di lang pala nagtatambal sa unang pagkakataon ang dalawa sa AILYS, mga bata pa sila ay magkaibigan na sila.

First time nilang mag-meet ay sa unang proyekto ni Miles sa Kapamilya Network na kung saan tampok si Papa P.

Simula nun ay naging friends na sila ni Iñigo at kapag naririto at nagbabakasyon ang batang Pascual mula sa US ay isinasama siya ng kanyang ama sa shooting, taping at events nito sa showbiz na, kung saan ay nagkikita sila ni Miles.

Inamin ng dalawa na best of friends sila at ang araw araw nilang pagkikita ay baka mauwi pa sa isang totohanang relasyon na mas malalim pa kaysa friendship pero, hindi pa ngayon.

Bukod sa kanilang kaabalahan sa trabaho ay pareho silang nasa iskwela pa. Ito muna ang prayoridad nila.

Janine, Vhong, Rayver, Alex at Sweet, nakikipag-sabwatan sa demon

Bukod sa chores sa GMA na kasama ang paglabas sa isang serye sa umaga, ang Dangwa, ay nakatapos pala si Janine Gutierrez ng isang pelikula para sa MMFF 2015.

Ito ang Buy Now, Die Later na isang nakakatakot na pelikula pero, ginawa sa isang kakaibang paraan na siguradong magugustuhan ng manonood.

Umiikot ang kuwento ng BNDL sa limang pangdama o senses ng tao, ang paningin. pandinig, pang-amoy , panlasa at pandamdam.

Nakipagkasundo ang limang tao sa kuwento sa isang nagmamay-ari ng isang curio shop na nagtitinda ng items mula sa ordinaryo hanggang sa hindi pagkaraniwan.

Si Vhong Navarro ay nire-represent ang sense of sight, sense of smell naman si John Sweet Lapus; si Rayver Cruz ang sense of taste; si Alex Gonzaga ang sense of hearing at ang mag-inang sina Lotlot de Leon at Janine Gutierrez ang sense of touch.

Isang online blogger si Odie (Vhong) na nakabili ng isang pambihirang ca­mera sa shop ni Santi na nagbigay sa kanyang ng maraming scoop.

Binalot ng hiwaga ang katauhan niya nang simulan niyang imbestigahan ang scoops na natutuklasan niya.

Isang pabango ang nabili ni Pippa (John) kay Santi na nagpalapit sa kanya sa mga lalaki.

Si Ato (Rayver) ay may-ari ng isang kainan na dinudumog ng mga parok­yano dahil sa mga sangkap na ginagamit niya sa pagluluto na kinuha niya kay Santi.

Si Chloe (Alex) ang gustong sumikat na singer kahit sintunado ang boses.

Isang cellphone mula kay Santi  na may isang “app” na nagpapaganda ng boses niya.

Nang lumaon, mga mahihiwagang boses na ang naririnig niya sa loob nito.

Isang cream naman ang ibinigay ni Santi kay Maita (Lotlot) na nang gamitin nito ay bumalik siya sa pagkabata at naging Janine.

Sa huli, nanaig ang pagmamahal niya sa sarili’t anak kaya tinalikuran ang kasunduang tinanguan.

Sa bandang huli, hinanap at nilabanan ng limang major characters ang kampon ni Santi para masugpo ang paghahasik pa nila ng lagim sa iba.

Ang DNPL ay gawa ng Quantum Films, MJM Productions, Inc.,Tuko Film Priduction at Buchi Boys Films. Sila rin ang nasa likod ng isa pang MMFF film na Walang Forever nina Jennylyn Mercado at Jericho Rosales at mula sa direksyon ni Randolph Longjas.

MMK pwede nang mapanood ng paulit-ulit

Hindi n’yo ba mapanood kagabi ‘yung episode ng Maalaala Mo Kaya tungkol sa mga anak matapos magpakamatay ng kanilang ina?

Kung hindi pa ay pwede pa ninyo itong habulin gamit ang inyong ABSCBNmobile.

Pati mga past episodes ng MMK ay mapapanood n’yo kung gugustuhin n’yo.

Pumunta lamang sa www.abscbnmobile.com para sa karagdagang impormasyon.

Isang mapagmahal na ina si Aiko Melendez pero, lumaking takot at malayo ang loob sa kanya ng mga anak.

Sa laki ng pagdaramdam niya na dinagdagan pa ng malaking gastusin sa bahay, minabuti pa nitong kitlin ang kanyang buhay

Maganda ang pagkakakwento ni Benson Logroni ng istorya na pinaganda pa ng direksyon ni Nuel Naval.

vuukle comment

ACIRC

AIKO MELENDEZ

ANG

ATILDE

ISANG

JANINE GUTIERREZ

MGA

MILES OCAMPO

NBSP

NIYA

SANTI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with