^

PSN Showbiz

Brian ramdam ang hirap ng ina

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Sandali naming naka­usap ang panganay na anak ng presidentiable na si Sen. Grace Poe na si Brian Llamanzares last Thursday afternoon nang ito’y mag-lunch sa Toki Ja­panese Restaurant sa Bo­nifacio Gobal City kasama ang isang magandang girl na ipinakilala niya sa amin as Sam.        

Tanggap nito na hindi madali ang pinagdaraanan ng kanyang ina at ng kanilang pamilya. Ganunpaman, umaasa at nananalangin ang binata na sana’y malagpasan ng kanyang ina ang kinakaharap nitong problema at mababaliktad pa rin ng COMELEC ang kanilang judgment sa senadora.

Tulad ng kanyang ina, napakasimple, accommodating at humble lamang ni Bryan at walang kayabang-yabang sa katawan.

Daniel ginamit ang impluwensiya kay Kathryn

Naba-bash ang magka-loveteam na sina Da­niel Padilla at Kathryn Bernardo dahil sa kanilang pagtanggap as endorsers sa presidentiable na si dating DILG Secretary Mar Roxas. Pero tulad ninuman, may karapatan naman siguro ang dala­wa na pumili ng sarili nilang mga kandidato sa darating na May 2016 elections.

Si Daniel pala ang kumumbinsi sa kanyang ka-loveteam na si Kathryn para sumama na rin sa pagsuporta kay Mar.

Kahit kapwa nasa pangangalaga ng Star Magic ang magka-loveteam, hindi sila napigilan sa gustong suportahan.

Samantala, si Korina ang nag-organize ng early Christmas party with the entertainment media na ginanap sa ballroom ng bagong tayong Novotel sa Araneta Center in Quezon City last December 2 ng gabi.

Alonzo may muwang na sa mga award-award

Tuwang-tuwa ang aking “anak-anakan” na si Alonzo Muhlach sa kanyang pagkakapanalo as Best New Male TV Personality sa katatapos pa lamang na Star Awards for Television ng Philippine Movie Press Club (PMPC) na ginanap sa Kia Theater, Araneta Center, Cubao, Quezon City last Thursday evening.

At five, marunong na siyang mag-appreciate sa kanyang kauna-unahang award na natanggap labas sa kanyang academics kung saan ay first honor siya sa 2nd quarter bilang Kinder A student sa La Salle-Greenhills.

Matapos mapanood sa horror-comedy movie na Wang Fam, mapapanood din si Alonzo sa MMFF movie nina Vice Ganda at Coco Martin, ang Beauty and the Bestie na pinamamahalaan ng box office director na si Wenn Deramas.

Malapit na ring mapanood si Alonzo sa Ang Panday TV series ng TV5 na pagsasamahan nila ni Richard Gutierrez na siyang gaganap sa title role.

Inihahanda na rin ng Viva Films ang solo launching movie ni Alonzo na Butsoy na movie remake ng pelikulang unang pinagbidahan ng kanyang ama, ang original Child Wonder na si Niño Muhlach. Ito’y pamamahalaan din ni Wenn Deramas.

vuukle comment

ACIRC

ALIGN

ALONZO

ANG

ARANETA CENTER

KANYANG

LEFT

NBSP

QUEZON CITY

QUOT

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with