^

PSN Showbiz

Lagi kasing inuumbag dating aktres nilayasan na ang basketbolistang mister na parang boksingero!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Nauntog na pala nang pagkalakas-lakas ang isang dating batang aktres na maagang napahinga sa pag-arte dahil sa maaga ring tawag ng pag-ibig.

Maraming nanghinayang sa kanya, bukod kasi sa maganda na ang young actress ay magaling din siyang umarte, hindi naman ‘yun nakapagtataka dahil mula siya sa isang malaking pamilya ng mga artista.

Maaga siyang naging ina, nu’ng una ay maganda naman ang pagsasama nila ng isang kilalang lalaking personalidad sa larangan nito, naging masalimuot na lang ang kanilang relasyon nitong mga huling taon.

Nakikita na lang ng kanilang mga kamag-anak na may black eye ang dating young actress, kapag tinatanong siya ay kung anu-anong dahilan ang kanyang ibinibigay, pilit niyang itinatago ang katotohanan.

Mabigat ang kamay ng kanyang mister. Sa simpleng pagtatalo lang nila dahil sa napakaliit na bagay ay nakakatikim na agad ng batok ang babae. Paano pa kapag malalaking problema na ang kanilang pinagtatalunan?

Nu’ng minsang hindi na nakapagpigil ang babae ay humingi siya ng tulong sa kanyang mga kaibigan, gusto na niyang kasuhan ang kanyang mister, gusto na rin niyang makipaghiwalay dahil bugbog na bugbog na raw ang kanyang katawan.

Pero nabigo sa pagtulong ang kanyang mga kaibigan, sa isang pakiusap lang ng lalaki, nakikipagbalikan na agad si babae. At paulit-ulit na naman siyang humahagulgol dahil sa pisikal na pananakit ng kanyang asawa.

Ayaw nang manghimasok sa kanyang problema ng mga kaibigan niya. Para ano pa nga naman? Hindi rin naman siya nakikinig. Wala naman siyang pinaniniwalaan kundi ang sinasabi ng kanyang puso.

Pero ilang linggo pa lang ang nakararaan ay nalaman ng mga kaibigan ng aktres na talagang nakipaghiwalay na siya sa ama ng kanyang mga anak. Wala na raw balikan ‘yun, desidido na ang aktres, suko na raw siya talaga.

Sundot ng aming source, “Nakakaloka naman kasi ang mister niya, mali ang linyang pinasukan! Dapat, e, naging boksingero siya, hindi nagsu-shoot ng bola!”

Ubos!

Klarong priority ang datung Kathryn iniisnab na raw ang mga simbahan ng INC?!

Hindi nakita kahit ang anino lang nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa ipinang-imbitang Christmas Party nina Secretary Mar Roxas at Korina Sanchez.

Sabi’y may taping kasi ang magka-loveteam, hindi sila puwedeng umalis sa set ng kanilang teleserye dahil puro mga eksena lang nila ang kukunan, pero may ibang interpretasyon ang mas nakararami tungkol sa hindi pagdalo ng dalawa.

Nakahain kasi sila ngayon sa kontrobersiya dahil sa pag-eendorso kay Secretary Mar. Marami silang bashers, maraming bumibira sa kanilang desisyon, may tumatawag pa nga sa kanila bilang youngest corrupt loveteam.

Isang miyembro ng INC ang nagsabi sa amin, “May bayad man o wala si Kathryn sa pag-eendorso niya kay Secretary Mar, e, mali pa rin ‘yun. Alam ni Kathryn at ng mga magulang niya na bawal ‘yun sa doktrina ng INC, pero nilabag nila!”

At ang pagsunod sa naturang doktrina ng INC ay pinaninindigan ng mga INC since birth na tulad ni Gladys Reyes, alukin mo man nang milyon ang aktres ay hindi ito tatanggap ng show para sa mga kampanya, wala rin itong ineendorsong pulitiko dahil bawal na bawal ‘yun sa mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo.

Totoo kaya ang umiikot na kuwento na dahil sa ginawang desisyon ni Kathryn Bernardo na iendorso si Secretary Mar ay nakalinya na ang pangalan ng young actress sa mga ititiwalag ng INC?

Detalyadong kuwento sa amin ng isang kapwa INC member ng young actress, “Nakakaalarma ang sitwasyon ni Kathryn. Nu’ng minsan kasing mag-taping siya sa isang lugar, e, katabing-katabi lang ng set nila ang sambahan ng INC.

“Maghapon at magdamag halos silang nandu’n, pero hindi siya dumalo sa service. Ilang hakbang lang ang layo ng kapilya sa set nila, pero hindi siya sumamba.

“Wala pang confirmed na balita, pero nakapagtataka ‘yun, hindi siya dumalo sa gawain, iniisip tuloy ng marami na tiwalag na siya sa INC,” nagtatakang komento ng aming kausap.

vuukle comment

ACIRC

ALIGN

ANG

HINDI

KANYANG

KATHRYN

LEFT

MGA

QUOT

SIYA

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with